Chapter 46 Kakatapos lang kausapin ni Thalia ang kanyang nanay sa kanyang cellphone nang tumawag naman sakanya si Annie. "Beshie sabi ni ninang parang may something daw sainyo ni Mr.Hoffman? Anong ganap besh? Di ka daw bet ni Mr.Hoffman maging baby sitter ng anak niya. May nakaraan ba kayo besh? Siya ba yung ex fiancé mo na tinakbuhan mo para harapin ang cancer mo? Tama ba ako besh? Oh my gosh! Diba nakita pa natin siya doon sa Delfonzo beach?" Napapailing nalang si Thalia sa walang tigil na pagsasalita ni Annie sa kabilang linya. Daig pa nito ang isang reporter kung magtanong. "Next time ko nalang ikwento sayo besh. Papaliguan ko pa ang alaga ko--" "Baka naman ang daddy ang paliguan mo ha?" "Sira!" Namula ang pisngi niya dahil sa kapilyahan ng kanyang kaibigan. Mabuti nalang at

