Chapter 54 "Nagpakipot ka pa ganon? Kaya pala galit na galit nanaman si Sir?" Kasalukuyan nasa rooftop ng mansyon si Thalia habang kasama niya si Ate Nelda at Paulina. Inaya kasi siya ng mga ito na mag-inuman daw sila dahil biyernes naman ng gabi at wala silang mga trabaho kinabukasan. Ganoon pala ang patakaran sa mansyon, tuwing sabado at linggo day off nilang lahat. Ngunit sa mansyon parin sila tutuloy sa gabi at kahit saan nila gustong pumunta ay maaari Dalawang araw siyang hindi kinikibo ni Harley. Hindi man lang siya sinusulyapan ng amo nila. Palagi rin itong nasa opisina nito at gabing gabi na ito umuuwi. Katulad nalang ngayong gabi, wala pa rin ito hangang ngayon. Mag-aalas dose na ng hating gabi ay impossible naman nasa opisina pa ito? Uminom si Thalia ng isang bote ng beer

