Chapter 52 M A L Z I A Nakarating na kami mula sa mall. Napagpasyahan ko kasi na sumadya muna ditol gawa ng gutom na ako at kahit papaano marami pang kulang ang babies ko na mga gamit. And knowing that they are all boys. Mas mapapadali na saakin makabili ng mga gamit dahil alam ko na ang gender nila. Nang magbukas ang pinto ng kotse ay agad akong lumabas. Si Harry ang nagbukas ng pinto kaya agad ko naman itong pinasalamatan at dahan dahang bumaba. Ngunit naramdaman ko ang pag-alalay ni Vaughn. Nginitian ko naman ito at nagulat ako nang bigla nito ipulupot ang aking braso sakaniya. Hindi na ako nag protesta dahil kinakailangan ko rin ng alalay dahil medyo hindi ko na kinakaya ang bigat ng aking tiyan. Habang papasok kami ng mall ay hindi ko mapigilang mapatingin sakaniya. Sana pag