Chapter 42 M A L Z I A Alas 3 na ng hapon at kasalukuyan akong nasa kotse, papapunta ako ngayon sa office ni Vaughn upang ituloy ang surpresa na aking naplanuhan. Kahit na masama ang pakiramdam ko at tila hindi ako makapali ay gusto ko ng sabihin kay Vaughn ang pagbubuntis ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa itatago sakaniya ang bagay na 'to at sa kondisyon ko ay mas mabuti nang may alam. But I still have a lot of questions. Madami akong mga bagay na gustong itanong sakaniya, kung bakit nagawa niya kay Axis yun. Ano ba talaga ako para sakaniya? May nagawa ba ako noon para kailanganin niya pang takutin sila Axis? Masama ang kutob ko pero kailangan ko itong gawin. Gusto ko na matapos lahat ng naiisip ko. Baka siya na ang sagot sa nawawala kong alaala, baka may alam siya sa nakara