Chapter 45 M A L Z I A "Ate si Kuya Gio nangaasar na naman!"inis na singhal ni Lianne habang nakanguso ito. Bigla naman akong natawa at napailing sa mga pinag-gagawa nila. "Si Gianne 'yun hindi ako!"pagtanggi niya habang nakatayo sa harap namin, kasalukuyan kasing nagpipinta. Wala na kasi ako magawa kaya naghahanap ako ng mapaglilibangan. "Ako pa talaga sinisi mo, Gio! Kanina mo pa nga inaasar si Lianne about kay Dino."singhal ni Gianne na kakapasok lang sa empty room ko kung saan nagpipinta ako ng aking mga gawa. Hindi ko maiwasang matawa dahil para silang mga batang nagsisisihan. Napatigil ako sa pagpipinta at humarap sakanila. "The three of you stop. Pinayagan ko kayong magbakasyon dito para may makasama ako at hindi para pasakitin ang ulo ko."saad ko habang natatawa dahil an