Chapter 29 M A L Z I A Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Vaughn. Dahan- dahan ko namang ginagamot ang kaniyang kamay dahil malubha itong nasugatan. Hindi ko lubos maisip na magkakaganito siya nang mawala ako. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako aalis. Napahinga ako ng malalim at ibinaba ang kaniyang kamay sakaniyang tiyan at iniayos ang kaniyang kumot. Nagula ako nang maabutan ko siyang miserable kanina. Sumikip din ang dibdib ko at pawang gustong kumawala ng puso ko sa kaba nang makitang mawalan siya ng malay. Buo parin ang aking pagtataka bakit pawang nawala siya sa wisyo nang umalis ako at kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Humantong pa sa pagsisira ng gamit at pagwawala. Kanina napaisip-isip ako na baka labis itong nag-alala s