Kabanata 61 "I am still in love with you, Wife." Don ako tuluyang napahinto sa paghalik sa kanya. "Wife?" Tanong niya maya-maya ng sinubukan niyang habulin ang mga labi ko pero ako mismo ang kusang umiwas. Sinapo niya ng dalawa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko at saka niya hinuli ang mga tingin ko. "P-paano si Aria?" Tanong ko sa kanya at saka ako nag-iwas ng tingin. "Wife, please.. let's not talk about someone who isn't here." "Pero Kent, asawa mo siya!" Sagot ko naman sakanya. God! He's cheating on me with Aria. Pakiramdam ko bumaliktad lang ang mga nangyari noon. Kung si Jiro nagchecheat sakin noon with Aria ngayon naman I am cheating with Aria's husband, who happens to be Kent. "This is so wrong." Dagdag ko pa at akmang aalis na ako sa pagkakaupo ko sa hita niya ng yakapin

