Kabanata 71 Tulad kahapon nandito na naman sila Selena sa bahay. Hindi nakauwi si Kenzo kagabi dahil inaayos yong chopper niya don sa rancho. Nawalan daw kasi ng break. Hay ewan.. ako tuloy namumublema, hindi ako sana na di ko siya kasama. "Oh bakit naman Birnes Santo yang mukha mo jan?" Tanong sakin ni Selena. Padabog naman akong umupo sa sofa. "Hindi kasi nagrereply si Kenzo! Hindi ko alam kung ayus na ba yong chopper niya at makakauwi ba siya ngayong gabi." "Bakit kasi hinahanap mo pa si Kenzo kung nanjan naman si Kent?" Selena "And speaking of the handsome Devil and the handsome Devil shall appear." Sabay na sabi nina Ariana at Sam. At saka silang tatlo sabay-sabay na nag-appear. "Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kent nadirediretso ang upo sa tabi ko. Tulad nung mga

