Kabanata 57 "Eh ano po bang trabaho ng Mommy ni Aria?" Huminga ng malalim si Manang Renee at saka siya ngumiti sakin pero hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang lungkot din sa mga mata niya. Malungkot siya para sa Mommy ni Aria? Pero bakit? "Ang anak ko.. mabait siyang bata. Nakilala ng anak ko ang Daddy mo, dahil madalas din siyang nagpupunta noon sa bahay ng Mommy mo para tulungan ako sa labahin. Magkababata ang anak ko at ang Mommy mo, matalik din silang magkaibigan at lahat ng meron ang Mommy mo ay meron din ang anak ko kaya nga nagpapasalamat ako sa Lolo't Lola mo kasi nakapagtapos ng pag-aaral ang anak ko sa tulong nila. Pero hindi ko akalain na masasanay ang anak ko sa mga luho na binibigay sa kanya ng Mommy mo at ng Lolo't Lola mo, kaya pala gabi-gabi nalang siya umaalis at mad

