Kabanata 55 "Kylie, anak.." Ayana gad ang salubong sakin ni Mommy ng Makita niya kaming papasok sa entrance ni Kenzo. It's eight thirty in the evening at late na kami ng thirty minutes. "Thank goodness, at dumating din kayo. Kanina pa namin kayo inaantay ng Daddy mo." At saka niya ako hinalikan sa pisngi, nagbeso din siya kay Kenzo. Pareho naman kaming ngumiti ni Kenzo kay Mommy. Ang daming bisita at lahat ay busy sa pakikipag-usap sa kung kani-kanino. Kaunti lang din ang kakilala ko, yong tatlong bruha na sila Ariana, Selena at Samantha na my kasama din'g tatlong lalaki. Malamang ay date nila. Hay naku! Uso din pala sa kanila ang kasabihan na 'landi-landi din pag my time.' Sinama kami ni Mommy sa mesa kung nasan sila Kent at Daddy pero wala don si Jiro at Aria. Hindi na ako nagtanong

