bc

I love you Guardian Blake

book_age16+
5.4K
FOLLOW
24.9K
READ
drama
comedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Masaya na sana ang takbo ng buhay ni Beatriz kasama ang napakabait at nagiisa niyang nakakatandang kapatid na si Benjie kahit wala na silang mga magulang, spoiled siya dito at lahat ng gusto niya binibigay nito,Pero halos gumuho ang kanyang mundo ng mamatay ito dahil sa pagsalo ng bala ng baril na dapat sana'y sa young business tycoon na si Blake Jordan ang super gorgeous and handsome na half Brazilian half filipinong amo nito,Na siya rin palang lalaking ubod ng sungit at sama ng ugali sa birthday party ng kaibigan niyang si alexa. At dahil sa utang na loob sa kanyang kapatid, Ito ang naging bagong Guardian niya.Pinatira siya nito sa mala palasyo nitong bahay At dahil nga sa mala Adonis nitong hitsura hindi niya napigilang mahalin ito.Kaya lang ang problema naglagay ito ng pader sa pagitan nilang dalawa at kahit anong gawin niyang pagpapansin hindi siya nito kinakausap na parang hindi siya nag e-xist,pero diterminado siyang gibain ang pader na pilit nitong itinatayo sa pagitan nilang dalawa.Dahil umiibig na siya dito at gagawin niya ang lahat para ibigin din siya ng binata. Pero pano kung sabihin nito na baby sister lang tingin nito sa kanya?May pag-asa pabang magkaroon ng happy ending ang kanyang love life?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Beatriz,tanghali na tulog kapa late kana sa klase mo!" Sigaw ng kanyang kuya mula sa first floor ng inuupahan nilang apartment. Wala na silang mga magulang na parehong binawian ng buhay sa isang car accident three years ago,sixteen years old palang siya ng mga panahong iyon kakagraduate palang niya ng high school,Ang kanyang kuya naman ay five years ang gap sa edad niya tapos na ito sa kursong criminology ,kaya ito ang nagtaguyod sa kaniya mula ng mamatay ang kanilang mga magulang,At ngayon nga Twenty-four years old na ito at wala pa yatang kabalak balak mag aswa,dahil ang sabi nito kilangan muna nitong masigurado ang kinabukasan niya bago ito lumagay sa tahimik, "Beatriz" muling sigaw ng kanyang kuya.Itinakip niya ang unan sa kanyang tenga,tinatamad pa siyang bumangon. "Pag bilang kong tatlo at hindi kapa bumaba dito,i swear bubuhusan kita ng tubig"! "Oo na..."inis na turan niya bago bumagon dumeritso na siya sa banyo para maligo. Nang makatapos sa paliligo at makapag bihis bumaba na siya.Nadatnan niya ang kanyang kuya na naka uniform na ng puting polo at itim na slacks.Isa itong police na ina-sign para maging private body guard ng isang young business tycoon na sa pangalan lamang niya kilala. "Akala ko hindi kana gigising.."salubong nito sa kanya. "Kuya naman hindi naman ako male -late kasi isang kanto lang naman ang layo ng school ko mula rito.."nagmamaktol na turan niya dito. "Kahit na dapat masanay ka paring gumising nang maaga.Paano kung wala na ako sino nang manggigising sayo.Hala sige na Kumain kana at ihahatid kita sa school mo.." "Para namang mawawala kana kuya sa sinasabi mong yan DoN't say that again kuya..."aniya.Hindi niya kayang tanggapin kung pati ito mawawala sa Kanya. Dahil hindi niya ito kakayanin. "Bea,you know naman na risky ang aking trabaho hindi natin masasabi ang buhay.Like our parents bigla nalang nawala kaya dapat kung anong mga tinuturo ko sayo,sundin mo dahil gusto kong maging handa ka.." "Kuya naman eh,wag ka na nga sabing magsalita nang ganyan.."nakalabing turan niya. Bumuntong hininga ito bago lumapit sa kanya at pabirong ginulo ang kaniyang buhok. "Tandaan mo lagi ang sinasabi ko,sige na kain na.."nakangiting turan nito. Hindi naman na siya tumugon sa sinabi nito bagkus tumango na lamang siya. Umupo siya sa sa dining at sinimulang kainin ang pritong itlog at hotdog na hinain nito. Ipinarada nito ang dina-drive nitong motorsiklo sa labas ng kaniyang eskwelahan,bumaba siya mula sa pagkakaangkas at inalis ang helmet niyang suot,Nasa pang-apat na taon na siya sa koliheyo sa kursong business management at isang taon nalang makaka graduate na siya. ‘’Kuya gagabihin ako ng uwi may lakad kami ng mga kaklase ko.." paalam niya dito na iniabot ang helmet na hawak niya. "San nanaman kayo pupunta..?nakataas ang kilay na tanong nito,tumitig siya sa gwapo nitong mukha bago nagsalita. "Ahm may project kaming kilangang gawin..."pagdadahilan niya pero ang totoo pupunta siya sa birthday party ng Isa niyang kabarkada.Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata na waring inaarok kung totoo ang sinasabi niya.Pero maya maya umiling ito. "Hindi ka nag sasabi nang totoo.Saan ka talaga pupunta?"anito na hindi naniwala sa sinabi niya.Kiming ngumiti siya dito bago ang salita. "Birthday ng kaibiga kung siAlex kuya may parting gaganapin kaya pupunta kami nina Jenny.." Hindi agad ito tumugon,na waring nag iisp kung papayagan siya o hindi. Then he sighs before speak. "Okay.." Nag Liwanag naman ang mukha niya sa sinabi nitong iyon."Payag ka kuya...?masayang turan niya. "Yes pero magiingat ka ha at tawagan mo agad ako pag ka nagkaproblema" "Oo kuya thank you..." Masayang turan niya na niyakap ito at hinagkan sa pisngi. "Oh sige na pasok kana sa loob.."taboy nito sa kanya. "Oo kuya,thank you ulet ,you're the best kuya in the world I love you..."malapad ang ngiting turan niya. "Yes,I know bye I love you too.."anito bago ini-start ang motor. "Bye kuya ingat.." "You too.."bagkasabi nito ay pinatakbo na nito ang motorsiklo palayo. Sinundan na lamang niya ito ng tingin,Napaka swerte talaga niya at nagkaroon siya ng kuyang kasing bait nito. Nang mawala na ito sa kanyang paningin pumasok na siya sa loob ng campus. "Beatriz,ano sama kaba sa party? tanong ng bestfriend niyang si jenny,katatapos lamang ng huling klase nila at patungo na sila sa kanilang locker. "Oo naman ako pa ba ang mag pa huli.."sagot niya habang naglalakad sila,kipkip niya sa dibdib ang dalawa niyang libro.alam niyang may lihim itong crush sa kanyang kuya kaya lang parang kapatid lang ang turing dito ng kapatid. "Kilan ba naman humindi ang kuya ko loves ako non..."nakangiting turan niya. Nang makarating sa locker area,binuksan niya ang kanyang locker at inilagay ang kaniyang libro,napangiti siya ng makita ang picture nila ng kanyang kuya,kuha iyon nung eigh-teen birthday niya,naka cocktail dress siya na kulay dark green,parehong malawak ang kanilang pagkakangiti,masayang masaya siya ng araw nayon dahil kahit wala ang kanilang mga magulang ginawan ng paraan ng kanyang kapatid na magkaroon siya ng party sa kanyang debut. "Hoy..."pukaw sa kanya ni Jenny." anong ngini-ngiti mo diyan.""Wala.."sagot niya na isinara ang kanyang locker. "Tayo na baka hinihintay na tayo Nina Lora.."tukoy niya sa isa pa nilang kaibigan.Na kasama rin nila sa party ng pinakamayan nilang kaibigan na si Alexa. "May isusuot kana ba..? Tanong ni jenny sa kanya. "Oo pero daan muna tayo sa bahay nyo para mag palit ng damit.."aniya dito. "Ok sige" Natanaw nila si lorna na naghihintay na sa kanila sa labas ng campus.Kumaway ito sa kanila ng makita sila,gumanti naman sila ng kamay dito. "Ang tagal nyo naman kanina pa ako dito.." salubong nito sa kanila. "Pasensya na po tayo na..."aya niya Tiningnan niya ang reflection sa salamin. "Tiningnan niya ang sarili mula ulo hangang paa ,nakasuot siya ng red dress na humakab sa kanyang ma makurbang katawan,umabot lang ito hangang kalahati ng kanyang hita,Lalong tumingkad ang maputi niyang balat sa kulay ng damit na suot niya.Naglagay siya ng red lipstick,at mascara sinuklay lamang niya ang kanyang lagpas balikat na buhok at hinayaan lang itong nakalugay. "Maraming mayayamang gwapong boy's sa party ni Alexa kaya dapat magpaganda tayo ng sobra.."ani Lorna na naglagay ng blush-on "At lalo kana Beatriz para naman magka-boyfriend kana.."ani jenny na naglagay nang lipstick. "Hahahha... ako nanaman ang pinagdiskitahan nyo hindi naman po ako nagmamadaling magka-boyfriend ano.."sagot niya. "Hindi daw nag mamadali baka pag nakita mo na si Mr.Right lalag yang panty mo.."ani Lorna na pabirong inirapan siya. "Hay nako tama na ang topic about me tayo na at lumalalim na ang gabi.."aya niya sa mga ito at nagpatiuna nang lumabas sa kwarto ni jenny.Sumunod naman ang dalawa sa kaniya. "Mom alis na kami"! sigaw ni jenny sa ina nito na nasa kwarto. "Okay baby,take care love you."tugon ng mama nito mula sa loob ng kwarto. "Love you to mom bye.."turan naman ni jenny. Nagiisang anak ito at tanging ina lang nito ang kasama dahil matagal ng separated ang mama at papa nito. Hindi sila pare-pare nang antas ng pamumuhay si Lorna ay parehong abogado ang mga magulang si jenny naman nurse ang mama nito sa isang private hospital at ang pinakamayan sa kanilang magkakaibigan si Alexa na nabibilang sa kilalang pamilya at siya naman ang pinakamahirap sa kanilang apat pero mayaman naman siya sa pagmamahal nang kaniyang kuya.At kahit hindi sila nabibilang sa marangyang pamumuhay nakakapag- aral siya sa private school dahil iyon ang gusto ng kaniyang kuya. Tinungo nila ang naka park na kotse ni Lorna pagkasakay nila bigla namang nag ring ang kaniyang iPhone. Tiningnan niya ang caller ID napangiti siya ng mabasa ang pangalan ng kanyang kuya.She pulled the answer botton. "Hello" sagot niya "Nasa party na ba kayo? "Papunta palang kuya....”Napatingin naman sa kanya si jenny ng banggitin niya ang kapatid. "Tell him I said hi..."pabulong na turan nito.Irirapan niya ito bago nagsalita. "Hi daw sabi ni Jenny.."aniya "Tell her hi..."natatawang turan ng kanyang kapatid. "Hi daw..."aniya kay jenny na agad namang kinilig. "Magiingat kayo ok,tawagan mo agad ako pag may problema ha..."anang kanyang kuya sa kabilang linya. "Opo daddy...nakauwi kana ba?"pabirong turan niya. "Yes,maaga kaming pinauwi ni boss. Beatriz mag iingay ka wag kang makikipag usap sa mga taong di mo kilala.."paalala nang kapatid sa kanya. "Opo kuya...I have to go..love you bye.."aniya. "Okay ,love you enjoy the party.." "Yes kuya I will,I love you too.." "Bye.."anito bago naputol ang linya. Itinago na niya sa loob ng bag ang kanyang iPhone at inayos ang kanyanh pag kakaupo. "Alright guys let's go to the party...! Excited na turan ni lora. Pagkasabi ni lora ng mga salitang iyon bigla nalang kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit but she feels like something will happen tonight.Pag pasok nila sa bar kung saan gaganapin ang birthday party ni Alexa malakas na rock music ang sumalubong sa kanila. "Ang dami ng tao.."turan ni Lora. "Beatriz" Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan at agad ding sumimangot ng makita si Tod ang football player sa campus nila. "Hi..."anito ng makalapit sa kanila sabay halik sa kanyang pisngi.Kita naman niya ang kakaibang ngiti ni Lora at jenny,kaya agad niyang pinandilatan ang mga iyo. "Kasama talaga ang kiss"? Nakataas ang kilay na tanong niya dito. Kumamot ito sa ulo bago ngumiti sa kanya "I'm happy na nakarating ka I thought na hindi ka pinayagan nag kuya mo..."Ngiti lang naitugon niya dito matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya kaya Lang kahit gwapo ito hindi niya ito type dahil sa sobrang taas ng tingin nito sa sarili.Tumaas baba ang mata nito sa katawan niya. "You looked lovely tonight..."anito na hindi maitago ang paghanga sa tinig. "Thank you..."matabang na turan niya. "Hey guys...andito na pala kayo.."si Alexa na palapit sa kinaruruunan nila. Lahat sila'y napatingin dito,Nakasuot ito ng navy blue na dress na malalim ang v-neck line at humapit sa katawan nito na umabot lamang sa may ilalim ng kuyukot nito iskandalusa ang suot ng kaibigan niya. "Grabing ikli naman niyang suot mo Alexandria gusto mo na ba talagang ilantad yang katawan mo sa maraming tao..."sita niya dito. Tinawanan naman nito ang sinabi niya. "Ito na nanaman po si conservative girl,kunti lang naman ang haba ng suot mo sa suot ko diba.." "Kahit na mas maikli parin yan.."nakangusong turan niya dito."But happy birthday..."bati niya na humalik sa pisngi nito. "Thank you my dear friend.."tugon naman nito.Maging si Jenny at lora ay binati rin ito at nakipag beso-beso. "Alright...shall we drink na kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko..."si Jenny. "Heto naman ang adik sa alchohol.."natatawang sabi ni Lora. "Bakit ikaw ba hindi? "Slight lang....hehehe.."Natatawang sagot nito. "Alright guys let's the party begins"masayang turan ni Alexa. Tinatakpan niya ang ilong dahil sa usok ng sigarilyong kumakalat sa loob ng bar,at medyo na hihilo narin siya sa dalawang baso ng alak na nainom niya,Hindi siya sanay uminom,napilitan lang siya dahil sa mga kaibigan.Si Alexa ,jenny at Lora ay parehong nasa dance floor at nakikipag sayaw sa mga kaparehang mga lalaki na bisita ni Alexa sa party nito. "Hey,Bea may I dance with you.."si Tod "Im sorry tod,nahihilo na kasi ako.."tanggi niya. "Ganun ba di sasamahan nalang kita dito.."anito na umupo sa bakanteng silya sa tabi niya.Hindi na siya tumugon at hinayaan na lamang nito. Blake's PoV Inisang lagok niya ang alak sa kanyang baso bago iginala ang paningin sa loob nang bar.At tumigil ang mga mata niya sa teenager na naka suot nang red dress na di kalayuan sa kanya.Nakaupo ito paharap sa gawi niya kaya malaya niyang napapag masdan ang maganda nitong mukha.Sa tansya niyay nag lalaro sa 18 to 19 years old ang edad nito.Marahil isa ito sa bisita nang pinsan niya. Hindi na sana siya dadalo sa birthday party ng pinsan niyang si Alexa pero nakapangako na siya ditong pupunta,Hindi na siya nag sama ng bodyguard dahil ayaw niyang sa ganitong okasyon may bumubuntot pa sa kanya,Kahit pa may mga natatanggap siyang death threats.Natural lang iyon sa mundong ginagalawan niya,he was a successful business tycoon at the young age of 29 kaya marami siyang kakumpitensya sa negosyo. Pag mamay-ari niya ang malalaking shipping lines sa bansa at may malaki pa siyang negosyo sa Brazil,pag aari rin niya ang Jordan's Tower Enterprises o JTE.Nakita niya ang paglapit sa teenager nang isa ring lalaking teenager.May sinabi ito babae bago umupo sa bakanteng silya sa counter katabi nang babaeng teenager. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang na irita sa lalaking lumapit dito.Napailing siya sa nararamdaman.Hindi pwedeng ma attract siya sa babaeng teenager.Dahil neneng nene pa ito kumpara sa edad niya. Tumayo siya at nag tungo sa men's room para maalis sa paningin ang teenager na umaagaw nang kaniyang atensyon. Beatriz PoV Naiinis siya sa presensya ni Tod sa tabi niya pakiramdam niya binabakuran na siya nito.Kaya naman para makatakas sa presensya nito.Nag pasiya siyang tumungo nag lady's room. "Saan ka pupunta? Tanong ni Tod "Sa restroom .."maikling turan niya."Bakit sasamahan mo ako...?dugtong niya.Nakakalukong ngumisi ito." Kung papayag ka.." "In your dreams..."aniya bago ito tinalikuran. Tinalunton niya ang way patungong restroom.Nakahawak ang kamay niya sa pader dahil nahihilo na nga siya.At Dahil medyo nanlalabo na ang kaniyang paningin salip na restroom nang pambabae ang papasukan niya.Sa men's room siya nakapasok. "What the hell are you doing here..."the irritated baritone voice said. Kunot noong dumako ang tingin niya sa nagsalita at Parang nawala ang lasing niya ng tumingin sa mukha nito,pababa sa malapad nitong balikat hangang sa may tiyan nito,Ng mapatapat ang mata niya sa pagitan ng hita nito'y napalunok siya,muli niyang ibinalik ang paningin sa mukha nito. Oh my god ito na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya,makapal ang kilay nito na binagayan ng medyo mabilog nitong mata na animoy gabi sa kaitiman, maikli ang pagagagupit ng buhok nito na bumagay sa medyo pangalan nitonh mukha ,,matangos din ang perpekto nitong ilong na binagayan ng makipot at manipis nitong labi na mamula-mula na parang nangaakit "siguro napakasarap nitong humalik',napangiti siya ,sa naisip,at kung hindi siya nagkakamali hindi ito pure pilipino.Nakasuot ito ng leather jacket na pinailaliman ng black v-neck T-shirt at black turso.maiihahalintulad ito sa greekgod na nakikita niya sa museum. "Wow,men in black.."tanging naibulalas niya "Anong ginagawa mo dito sa men's restroom..?Kunot noong tanung nang gwapong estranghero. "Men's room?are you drunk lady's room ito.." aniya na nagsimulang maglakad pa tungong cubicle pero humarang ito sa dinadaanan niya kaya halos mabanga na siya sa malapad nitong dibdib. "Are you read the sign or tiningnan mo manlang ba bago ka pumasok dito...?anito na naghalukipkip sa harap niya.Amused din ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Yap,kaya kung pwede po,I need to pee.."aniya na lalampasan sana ito pero hinawakan nito ang kaniyang braso.Napakislot siya sa pagdidikit nang kanilang balat.The electrifying adrenaline throughout her body. "Go to Lady's room ..."anito. Nakaawang ang bibig na tiningala niya ito.Nagtama ang kanilang paningin na nag bigay nang ibayong kaba sa kanyang dibdib.Lalo palang napakaganda ng mata nito kung titigan mo sa malapitan.Bumaba ang mata nito sa matangos nitong ilong pababa sa mapula nitong labi.Na parang nang aakit na halikan.Siguro lasing na talaga siya dahil parang may nag uudyok sa kanyang halikan ito.Nalalanghap narin niya ang magkahalong mabangong hininga nito amoy nang alak.Dahil iilang dangkal nalang ang layo nang mukha niya sa mukha nito. "Tunga-nga kanalang ba diyan,Go to Lady's room..."utos muli nito sa kanya na binitiwan ang kaniyang braso.Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nanatili lamang nakatitig sa gwapo nitong mukha.And then suddenly naalala niya ang paguusap nila nang kaniyang mama noong nabubuhay pa ito. Flashback*** "Ma"pano nyo po nalaman na si papa na ang destiny nyo? Tanong niya habang nakaunan sa kandungan nito,sinusuklay naman nito ang kanyang mahabang buhok, "Bakit mo naman naitanong yan?nakangiting tanong nito. "Wala lang po curious lang! Nakakagat labing turan niya.."may dahilan naman talaga kaya niya itinanung ang bagay nayon,kasi may ultimate crush siya sa campus nila,at yun at si Greg ang class president nila,napaka-gwapo at talino nito kaya naman halos lahat ng mga kaklase niya may crush dito,pero alam niya at nakikita niyang may gusto din ito sa kanya,kasi minsan nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya, "Hmm,nung una kaming magkita ng papa mo alam ko na agad na siya ang para sakin,kasi unang nagtama ang mata namin kumabog na ang dibdib ko,at idagdag pa ang bultahe ng kuryenteng nanulay sa balat ko ng magdikit ang aming balat nang papa mo.Hanggang sa niligawan niya ako At ito nga nandito na kayo ng kuya mo.."nangingiting turan nito. "Talaga mama"aniya na umalis sa pagkakahiga sa hita nito at umupo at humarap dito. "Aha,kaya pagnakilala muna ang lalaking para sayo malalaman mo agad yun sa una nyo palang pagkikita,pag naramdaman mo ang mga sign na sinabi ko,,kalabog ng puso sa pagtatama ng mga mata nyo at bulta-bultahing kuryente pag nagdikit ang balat ninyo.Pero hindi pa iyon mangyayari ngayon kasi 16years-old kalang napakabata mo pa..."nakangiting turan nito na ginulo ang kanyang buhok. "Lihim siyang napangiti.."at niyakap ito.Kung alam lang nang mama niya na sumisintang purorot na siya. “Yes ma I know"nakangiting dagdag niya. And then the next morning Excited siyang pumasok dahil may kilangan siyang malaman pag pasok niya sa kanilang room naabutan na niya si Greg,nakayuko ito at may hawak na libro na binabasa nito.Napangiti siya at hinigpitan ang kapit na aklat na dala.Pagtapat niya sa kinauupuan nito inilaglag niya ang mga libro sa sahig. "Ay" kunwari nagulat na turan niya. Napatingin naman ito sa kanya.At sa librong nalalaglag sa sahig.Bago yumukod at dinampot ang inilaglag niyang libro.Yun naman ang iniintay niyang pagkakataon mabilis din siyang yumukod at dinampot ang librong hinawakan nito pero mas hinagip niya ang kamay nito kaysa sa kanyang libro,hinintay niyang may kuryenteng dumaloy sa kanyang balat pero sa kasamaang palad wala siyang naramdaman.Napatingin ito sa kanya ng mahawakan niya ang kamay nito ,tumingin din siya sa mga mata nito,at muli niyang hinintay na kumabog ang kanyang dibdib pero Wala parin.Wala siya kahit anong naramdaman.Kaya naman kinuha niya ang libro dito bago nag pasalamat.At tumungo na sa kanyang silya.Nalungkot siya dahil napagtanto niyang hindi ito ang kaniyang disteny.At simula ng araw na iyon nawala narin ang lihim na pag ka crush niya dito. End of flashback "Hey, are you ok? Pukaw ng estranghero sa kanya. "Your my destiny,"bulalas niya."Ikaw na nga..."masayang turan niya. “ What?naguguluhang turan ng estranghero. "Sa wakas nahanap narin kita.."masayang bulalas niya sabay yakap dito. Hindi agad ito nakakilos sa ginawa niya.’’I loveyou ,I love you.."masayang turan niya habang nakayakap dito.Natauhan naman ito at binaklas ang braso niyang nakayakap dito. "Bitawan mo nga ko, I loveyou? What the hell are you saying!are you crazy! Galit na bulalas nito na bahagya siyang itinulak. "Wala kabang naramdaman yung kabog ng dibdib at bultahe ng kuryente ng magdikit ang balat natin? Aniya na hindi mawala ang saya sa tinig.Hindi siya makapaniwala na natagpuan na niya ito.Ang kaniyang disteny totoo ang sinabi ng kaniyang mama.Mararamdaman mo agad na konektado kayo sa isat isa sa una palang pagkikita at iyon ang naramdaman niya ngayon. "Luka Luka yata ang babaeng ito eh"ani Blake sa isip. Lalong naging eritado ang eskpresyon ng mukha nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanya. "Are you insane,you're drunk.. I’m not your destiny...”!anito na parang diring diring nakatingin sa kanya.Kumirot naman ang kanyang puso sa tinuran nito. "Hindi ako lasing alam ko ang sinasabi ko.."naiiyak nag turan niya "Crazy"!anito sabay talikod "Sandali..."pigil niya na hinawakan ito sa braso. "What!eritadong turan nito. Baliw na siya sa hihilingin niya ngayon pero hindi niya mapapatawad ang sarili kung hindi niya masasabi dito ang kanyang nais mangyari. "Pwede bang humingi ng isang halik? Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya.He open his mouth but no words come out.Nanatiling nakapako ang mata nila sa isat isa.Bago lumipat ang mata nito sa labi niya.Na lalong nagpa kabog sa kanyang dibdib. Lalo na nang bumaba ang mukha nito palapit sa mukha niya.Marahan niyang ipinikit ang mata at hinintay na maglapat ang kanilang labi.Parang nawawalan nang lakas ang kaniyang tuhod nang ganap na magtagpo ang kanilang mga labi.Kahit hindi marunong humalik.Tinugon niya ang halik nito.Ginaya niya bawat galaw nang labi nito.Hanggang maramdaman niyang tumigil ang halik at hindi na niya naramdaman ang labi nito sa labi niya.Marahan niyang iminulat ang mata at.ganun nalang ang pagka dismaya niya nang hindi na ito makita sa kanyang harapan. Pero nag bakasakali siyang makikita pa ito kaya naman mabilis siyang lumabas ng restroom.Pero ni anino nito hindi na niya nakita. "He's gone.."malungkot na turan niya.Na napasandal sa pader. "Beatriz" Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan at nakita niya si Lora."Bakit diyan ka lumabas sa men's room..? Nakangising turan nito. "Men's room.."ulit niya sabay tingin sa pananggalingan namilog ang mata niya at naitakip niya ang palad sa kanyang bibig. Tama nga ang estranghero mali nga ang napasukan niyang restroom. "Hmp may ginawa ka no?! Nanunuksong tanung ni.lora. "Wala tigilan mo nga ako.."aniya na nagpatiuna nang bumalik sa loob nang bar.Sumunod naman ito sa kanya na panay parin ang tukso.Pero hindi na niya ito pinansin.Sinakop na nang estranghero ang kanyanh buong isip.Sa mabuting Banda may maganda ring naidulot ang pag pasok niya sa men's room dahil nakita niya ang kanyang destiny at higit sa lahat nahalikan pa.Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na ito at sana magkita silang muli. Sana Blake's PoV Iiling iling na pinatakbo niya ang kanyang brand new Ferrari,hindi niya akalain na ang isang napakagandang babaeng kanina pa niya pinagmamasdan mula ng dumating siya sa bar ay Luka Luka pala.Pero napakatamis at lambot ng labi nito kaya naman hindi narin niya napigilan ang sariling halikan ito.At may kalahati sa puso niya ang ninanais na mahalikan itong muli. Bumuntong hininga siya at binura lahat ng nasa isip at nag concentrate sa pagda-drive,walang dahilan para isipin pa niya ang babae,hiniling nito na halikan niya at tinupad naman niya ang hiling nito that's all nothing more.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.7K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook