Simula

4259 Words
Pang ilang buntonghininga na ang nagawa ko habang nakatunganga sa wall clock na nakalagay sa gitna ng aming classroom. Isang buntong hininga muli bago ko napag desisyonan na tumayo at kuhain ang bag para lumabas na. Well what do you expect in a first day of class Danica? Malamang hindi sisipot ang mga Instructor, they're still busy from their whatever! Napairap ako muli ng makarating na ako sa corridor at maalala ang sinabi ni Danver. I'm sure na pag tatawanan ako non dahil sa pagiging maaga ko pumasok ng unang araw. I'm wearing a faded blue high waisted jeans and white fitted crop top also a white rubber shoes down, hinawakan ko ng maigi ang strap ng little bag pack ko dahil bumaba ito sa laki ng hakbang ko. Alam ko andon sila sa cafeteria at ilang hakbang pa ay nakita ko na nga sila. Tumaas ang isang kilay ko ng makita sila na nag tatawanan and here we go again, the star of the table. Si Danver na kaliwa't kanang may babaeng katabi. Lumingon sila sakin ng namataan nila ako papasok. "Hi Dani!" unang sumalubong sakin si Joe na malapad ang ngisi. Umirap ako sapagkat alam ko na ang gagawin nya. Tinaas ko ang kamay ko na nag sasabi na tumigil na sya sa pag lalandi sapagkat hindi yon eepekto sakin. Tumawa si Danver sa ginawa ko, tapos na ata makipag usap sa mga babae nya at napansin na ang pag dating ko. "Dude f**k off, badtrip yan dahil tumunganga nang matagal yan sa loob ng classroom nila!" halakhak ni Danver sabay dantay ng ulo sa balikat ng babeng nasa kaliwa nya. Pinag masdan ko ang mga babae nya, at nanlaki ang mata ko bahagya ng makita kong walang suot na ID ang mga ito. Holy s**t! They're freshmen? "Danica come here! Dito ka na umupo sa tabi ko" anyaya ni.. hindi ko kilala parang bago lang ko lang sya nakilala. Tinitigan ko lang sya nang biglang tumawa sa akto ko. Biglang may umakbay sa gilid ko. "Chill Danica, she's Violet.." dumikit ito sa tenga ko para bumulong "A hot, wild dancer last night sa club. Don't tell me hindi mo sya naalala?" Tinulak ko sya palayo sabay umupo na ako sa tabi ni Violet na nakangiti sakin. I just greet her and wala na, kinuha ko yong baso ng pineapple juice na sa tingin ko ay para sakin talaga. Bumalik na si Joe sa pwesto nya at nag simula na mag salita. Si Danver naman ay sumusulyap paminsan minsan kay Joe na nag kwekwento, kahit si Violet na nasa tabi ko ay nakikinig kay Joe na pauto. Napadaan ang tingin ko kay Danver na unti unti gumagapang na ang kamay nito sa loob ng maikling palda ng babae na panay ang hagikgik. Umirap na lang ako dahil sanay na kami sa pagiging mahilig nya sa bata. "Are you jealous?" bulong ni Violet sakin sabay lingon kina Danver. "What the f**k? I'm not!" "Then why are you looking at him like that?" curiousna tanong pa rin ni Violet Natawa ako, hindi ako na-inform na may pag ka ma-issue din pala itong si Violet. My goodness! This is always my expression everytime na nakikita ko itong dalawang ito na may babae na bata pa! Its disgusting kaya, we're already 2nd year college tapos ang ginagawa nilang babae ay puro bata like Grade 12 or Grade 11. Napairap ako sa sinabi ni Violet sabay ininom ang pineapple juice. "Its disgusting. The scene is so disgusting" "Huh?" Napairap ako muli, wala pa talaga itong alam. Pero malay ay sanay na ito sa mga ganitong tao since nang makilala naming sya sa club kagabi ay daig nya pa ang araw araw na nag c-club. Tinuro ko yong dalawang babaeng katabi ni Danver. "They're still minors.." sabi ko. Nakita kong dumikit kaunti si Joe samin at gusting pakinggan yong piang uusapan naming. "Hoy ano yang sinasabi mo kay Violet hah? Mamaya sinisiraan mon a kami ah. Violet don't listen to her, maninira yan" ani Joe, lumingon na rin samin si Danver. "What is it?" tanong nito Tinuro ako ni Joe "Si Danica, sinisiraan tayo kay Violet. Naririnig ko sinasabi nya na ' minors' minors' daw." "Eh totoo naming mahihilig kayo sa bata diba?" mataray na sabi ko. Sabay na nag iwas ng tingin yong dalawa. Oh diba? Mga guilty! Bumaling ako ron sa dalawang babae na napatigil sa pag hagikgik. Nang mag tama ang aming mga mata ay sabay din sila namutla at nag iwas ng tingin. "Anong year nyo na?" Napakagat ng labi yong babaeng may kulot ang buhok. Natakot sa tingin ko dahil sakanya ang tanong ko. "Ahm.." Naningkit ang mata ko. Nang gigil talaga ako kapag nakakakita ako ng batang nakadikit sa dalawang babaero na to. Hindi ako nang g-gigil sa pagiging malandi nila. Nang g-gigil ako dahil sa pag bubulag bulagan nila na gusto sila nitong dalawang ito. Mukha pang bago ang isang to, nakakaawa na hindi ba nila alam na heartbreaker sina Joe at Danver nitong Xander University? Its so sad na ang first experience nila sa unibersidad na ito ay dudungisan ng dalawang ito! Tumaas ang kilay ko. "What? Hindi ka makasagot? Pero kung makahagikgik ka kanina ang lakas? Ilang taon ka na!" Ang nagulat na lang sa ginagawa ko ay si Violet na nasa tabi ko na hindi alam kung ano gagawin. "A-ah Danica hayaan na lang natin.." she looks like a puppy right now, anong nangyari sa wild Violet kagabi? Pero hindi ko sya pinansin at binalik ang pokus sa dalawang minors na nasa harap ko. Don't hate me coz I'm helping you two, out from these two playboys! Bumaling ako roon sa isang babae na may headband pang parang pusa. What the hell Danver? Minors really? “Ikaw, ilang taon ka na?" "A-ano po.. 16" maliit ang boses na sabi nito. Parang may bombang sumabog at parang gusto na ni Danver umalis sa kinauupuan nya. Si Joe naman ay nag iiwas lang ng tingin pero alam kong sayang saya ito sa pang-gi-gisa ko sa kaibigan nya. Lucky him at wala syang dala. "So it means you're still a junior high?" tanong ko na hindi pinapansin ang pag kakalabit ni Violet sa gilid ko. Dahan dahan itong tumango pati na rin yong kasama nitong kulot ang buhok. Napapikit ako, my goodness! Hindi ba nila alam na niloloko lang sila nitong lalakeng ito? "Patay ka Danver!" bulong pa ni Joe na rinig na rinig ko naman. Sinamaan ko sya ng tingin na kinatingin nya sa taas at pumito pito. Tumikhim si Danver sabay may minuwestra sa mga BATANG kasama nya. Napalunok ang mga ito sa sama ng aura ko bago nag mamadali umalis. "Mabuti naman.."I murmured. Nag 'tss' si Danver bago nag stretch ng kamay na para bang kagagaling lang sa isang laban. "What is that Dani? Porket ba walang klase ay ibubunton mo ang inis mo sakin. Tsk I told you diba na walang klase. Nyeta o wala na mga atabs!" ani Danver. Inirapan ko sya, Mabuti lang sakanya yan at masyado syang babaero, pati bata dinadamay. Umakbay si Joe sakin na humahalakhak "Hahaha. Bakit ba kasi pumasok ka pa?" lumabas ang maputi nyang ngipin. Hindi ko sya pinansin dahil hindi pa ako tapos sa kaso sa mga junior high na dala ni Danver. "Bakit junior naman ang nilalandi mo ngayon? Diba sabi ko no to bata?" naasar kong sabi. Ngumisi ito na sanay na sanay na ako "That's love Dani." Ngumiwi ako sa sinabi nya. Ano? Love yon? Kaya pala dala-dalawa ang katabi. Tahimik lang si Violet sa tabi ko. Palipat lipat ang tingin samin ni Danver. Tumawa ng malakas si Joe sa binitawang salita ni Danver, sumaludo pa ito sa nakangising babaero. "What the? Anong klaseng pag mamahal yon Danver? Dalawa ba puso mo?" sanay na ako sa dalawang ito pero hindi ko pa rin talaga maiwasan mag taray pag nakikita ko silang nakikipag laro sa mga babae lalo na kung BATA! Hindi talaga ako fan nyang Age doesn't matter na yan eh. "And worst, mga JUNIOR HIGH pa yong mga yon!" "Age doesn't matter Dani." Simpleng sagot nya, humagalpak na ng tawa si Joe pati na rin si Violet. "Oh yes! Your famous line. Great. Fuck." Irap ko at pinag patuloy na lang ang pag inom ng pineapple juice ko. Nagseryoso si Danver sabay tinuro ako "Hoy yang ngang bibig mo, mura ka nang mura kababae mong tao eh." Tumango tango naman si Joe sa gilid nito sabay tinaasan ako ng kilay na parang bakla. Napaawang ang labi ko. What the hell? "Oh eh bakit kayo nga ano e.." "Lalake kami Dani." Ani Joe habang tumataas baba ang kilay. Umirap na lang ako sabay bumuga ng hangin. Sabi ko nga talo ako sakanila kapag narinig nila akong nag mumura. Well, para na silang kuya ko eh. Kaya hindi na ako nag tataka bakit walang nanliligaw sakin rito sa Xander University, sila lang naman ang nakapaligid sakin. Sabagay wala naman akong balak na mag karoon ng kaguluhan sa buhay maliban na lang kung yung..crush ko ang manligaw sakin. Nanlaki ang mata ni Violet sa pumasok rito sa cafeteria. "Oh my ngayon lang sya nag punta ng cafeteria.." nakatulalang sabi nito. Nakuha ko na kung sino iyon kaya agad ko na nilingon. Agad lumambot ang mukha ko ng makita ko sya kasabay ng pag t***k ng puso ko. "Nagiging puso na naman ang mata nya, oh tignan mo Dan" rinig kong sabi ni Joe. "Nako hindi pa pwede yan, susumbong ko yan kay Tito" ani Danver As usual, dala dala nya hanggang dito yong mga libro na binabasa nya palagi sa library. Seryoso ang matang nakatinging sa dinadaan. Grabe hindi ba nya napapansin na halos mahimatay na yong ibang estudyante sa presensya nya? Kahit naman ako, kung wala lang sandalan itong inuupuan naming ay baka nahulog na rin ako. Damn! Ang lakas ng epekto nya sakin. Sakto naming may tumawag sakanya sa katabi naming table kaya napalingon sya sa gawi naming. "Herold! Dito ka na samin, sakto at may pinapasabi si Ma'am Luna para sa program na pinasa ng mga Math Club." Tahimik itong lumapit. Napalunok pa ako dahil nasa likod ko lang sya. Naniningkit ang mata ng dalawa kong bestfriend. Palipat lipat ang tingin nila sakin at kay Herold. "Crush mo?" tanong ni Violet. Oh s**t, sumaktong tumahimik ang grupo na katabi naming kaya malakas ang boses ni Violet. May pumito sa likod ko. "Uy ikaw pala yan Danica!" bati nung isa sa mga kasama nila. Napalunok ako, ayaw ko lumingon ayaw ko lumingon. Pero s**t nakakahiya naman kung hindi ko lingunin. "H-hi!" bati ko, hindi ko tinignan si Gerold na nasa tabi ko. Kilala ko yong bumati sakin, sya yong Vice President ng Student Council at sya rin yong tumawag kay Herold. Ngumisi ito sakin. "May narinig kami ah. Sino yang crush mo?" nang aasar na tanong nya. What the heck! Gusto ko na lumubog, kasi siguradong namumula na ako. Narinig iyon nina Danver at Joe kaya hindi na ako nag taka ng sumabat sila. " Kevin kunin na naming itong batang ito, mamaya makidnap pa" seryosong sabi ni Danver. Oh gosh protective kuya? Sabagay sanay na ako sakanilang ganito kahigpit pag dating sa lalake, sinabihan kasi sila ni Dad since mag kakaibigan ang mga Dad namin. Pero ito lang ako hindi sanay, ang mapahiya sa harap ni Gerold mukha pa namang naabala namin yong pag uusap nila ni Kevin. "Dani lets go." Sabi nila. Tumango na lang ako bago ngumiti ng tipid kina Kevin "M-mauna na kami.." iniwas ko talaga ang tingin ko kay Herold dahil baka manlambot pa ako lalo pag tumingin pa ako sakanya. "Sorry.." bulong ni Violet. Tumango lang ako saka tumayo na para umalis, nauna nag lakad ang dalawa. "Kevin what is it again?" seryosong boses ni Herold. "Huh? Yong sino crush ni Danica?" Sa narinig ko ay napaapak ako sa balat ng saging na ilang beses ko na munura mura sa isip ko kung sino ang balasubas na nag tapon sa baba nyon! Napapikit ako sa inaasahang babagsak sa sahig. Pero isang matigas na braso ang pumulupot sa katawan ko at kinabig palapit sa katawan nya. Oh s**t pabango pa lamang nya kilalang kilala ko na! Nanahimik ang mga tao sa loob ng cafeteria. Tanging dagundong lang ng dibdib ko ang naririnig ko. My goodness Danica tumayo ka na! "Next time be careful.." malamig ang boses nyang sabi. Unti unti ako nag mulat. Ngayon ako nag sisi na hindi ko sya tinapunan ng tingin kanina kasi baka kung sinulyapan ko sya kanina ay baka hindi kami ganito kalapit sa isa't isa. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Grabe.. hindi ba ito naapektuhan kapag nag pupuyat? Walang ka-pores pores! Sobrang kinis ng mukha. Pati ang ilong nya na perpektong hinulma, bumaba ang tingin ko sa labi nya na namumula.. Tumunog bigla ang bell hudyat na pangalawang period na. Doon ako nagising kaya napatalon akong umalis sa bisig nya. Hindi ako makatingin sa mata nya. "A-ah salamat Herold.." nauutal kong sabi. Kinalabit ako ni Violet. "Halika na, ang sama na ng tingin nung dalawa mong kaibigan." Sinubukan kong sumulyap ulit kay Herold, hindi ko alam pero nalungkot ako ng hindi ito nakatingin sakin. Kina Kevin lang sya naka pokus. Pero si Kevin ay malapad ang ngisi sakin, umirap na lang ako. Alam kong ramdam nyang may crush ako sa President nila! Nagmadali na lang kami ni Violet na lumabas ng cafeteria. Nakita ko na sila Danver at Joe na nakahalukipkip. "Susumbong kita kay Tito, umi-score ka na sa crush mo ah" parang batang ani Danver. Kasama naman nyang si Joe ay nakapout habang nag 'lalagot' gesture. "Tama na nga yan, hayaan nyo na si Dani malaki naman na sya" ani Violet Napaawang ang labi ni Danver "Hindi pwede! Malupit na bilin samin ni Tito na babantayan namin yan sa mga lalakeng umaaligid" "Oo nga, saka wala kaming mana sa mga pamilya naming kapag pinabayaan naming yan. You know, I love money." Ani Joe na sinamaan ko ng tingin. Kinindatan nya lang ako. "Saka hindi malaki yan, tignan mo nga yong height nya." Lumapit pa ito sakin para ma-emphasize pa lalo ang katangkaran nya. Hinampas ko sya "FYI Joe, maliit ako sainyo dahil mga 6 footer kayo! Atsaka anong maliit sa 5'4?" Napatawa si Danver sa sinabi ko. Napaubo naman si Violet, na may katangkaran rin. Napatampal ako sa noo, oo nga bakit ba ako pinapaligiran ng mga matatangkad? Bakit ba kasi nag mana ako kay Mommy. Napanguso na lang ako. Ginulo na lang ni Danver ang buhok ko. "Okay lang yan, nakabawi ka naman samin kanina" tukoy nya sa pag papapansin ko raw kay Herold kahit hindi naman. Inis ko syang hinarap "Hindi naman ako umi-score sakanya ah!" "Oo kaya. Kapit na kapit ka pa nga sa polo nya. Hindi mo ba tinignan na para na syang ni-rape ng isang Danica Lladones sa sobrang gusto sa polo nya?" "Para ka kayang tuko na makakapit" dagdag pa ni Joe "I agree" dumagdag pa si Violet "What the heck?! Hindi ko yon ginawa!" sigaw ko pero walang nag iba sa ekspresyon nilang nanunuri sabay mo pang pilit pa nilang pinapasingkit ang di kalakihan na mata nila. "What? Bakit ganyan kayo makatingin? Hindi naman ako tuko na kumapit kay Herold ah!" Sabay sabay silang nag taas ng tingin sa likod ko. Nanlaki ang mata ni Violet habang na pa-'oh' ang dalawa. Bigla ako kinabahan. S-sino yon? Tumikhim ang taong nasa likod ko na. "You didn't listen from the announcement? Mag kakaroon na ng klase ngayong second period, bakit andito pa rin kayo?" si Herold. Dahan dahan ako lumingon at sinalubong ko ang nakakunot nyang nuo. "A-ah sorry papasok na rin kami..'"sabi kong nahihiya. "Susunod na kami Pres" buong boses na sabi ni Danver na siguradong nakasimangot. Hindi na nag salita pa si Herold at tumalikod na samin. Napabuga ako ng hangin na kanina ko pa pinipigilan. Narinig nya kaya yong sinabi ko? Gusto ko na sampalin yong sarili ko, andami ko nang kahihiyan sa harap nya. "Ang yabang talaga yang crush mo Dani" ani Danver habang nag lalakad kami. Pare-parehas lang kami ng course maliban kay Violet na may back subject. "Ekis" ani Joe sabay minuwestra ang kamay na pa-ekis. "Ewan ko sainyo!" irap ko na lang at pumasok na sa loob. Mabuti na lang wala pa yong professor naming kaya okay lang na-late kami ng 10 minutes. "Nakita mo na ba kung sino magiging prof natin?" tanong ni Violet sa gilid ko. Nag kibit balikat ako "Hindi ko rin alam. Wala pa sigurong copy yong bida bida nating President.." tukoy ko sa class president naming bakla na pabida at madalas ay teacher's pet. Lumingon ako sa likod kina Danver at Joe, napataas ako ng kilay na nagawa pa nila mag mobile legends, eh anytime papasok na ang prof namin. "f**k! Mid ka Joe!" mura ni Danver habang tutok pa rin sa cellphone nya. "Gago gumamit ng Aldous, pa-feed!" Segundo naman ni Joe. Mga adik. Bumalik na lang ang tingin ko sa binder na dala dala ko lang sa loob ng mini backpack ko. Ilang minute pa ang dumaan pero hindi pa rin dumarating yong prof namin. Nilaro laro ko na lang ang daliri ko. What the heck. Mukhang timing ang pag lalaro ng dalawag kumag sa likod ko ah, dahil mukha walang professor na papasok. "Victory!" rinig kong sabi ng babaeng boses sa nilalaro nila. Napasigaw sila na kinatingin ng mga kaklase naming, tumayo pa si Joe at iwagayway ang panyo, napatampal na lang ako sa nuo ko. Bakit ko ba nagging kaibigan itong kulang kulang na mga to. "Wala pa prof?" tanong ni Danver. "Malamang, may nakikita ka ba?" masungit na sabi ko. Humalakhak ito "Sabi ko na sayo eh wala talagang papasok ngayong first day. Nag paapekto ka lang sa crush mo!" tukoy nya kay Herold, naalala ko tuloy ulit yong nangyari kanina. Isang kahihiyan! "Namumula na naman si Dani!" ani Violet sa gilid ko. "Crush na crush mo talaga si Herold no?" "Violet!" sita ko sa boses nya. Napatakip naman sya sa bibig habang tumatawa. "Wag ka ngang feeling close Violet, hindi naman tayo close" irap ko sakanya. Akala ko ma-o-offend sya pero natawa sya. Okay nakuha na nya ugali ko. "Hoy Dani bawal pa yan ah, susumbong talaga kita kay Tito sinasabi ko sayo" ani Danver "Kawawang Danica" asaw ni Joe sabay labas ng dila. Parang bata! Napalingon kami sa harapan ng biglang pumalakpak ang bida bida naming President. Napaismid ako sabay bulong kay Violet "I don't like him talaga" Tuamawa si Violet "Well you're not alone.." "Announcement! Kagagaling ko lang kay Herold.." pinutol sya ng kaklase naming "Uyyy ano ginawa nyo ni Pres?" asar sakanya Umirap ako ng palihim sa upuan ko lalo ng humagikgik ng malandi sya. Kala mo naman papatulan sya ni Herold my goodness! "Uy wag kayong ganyan, mga pa-issue. Enebe" pabebe na sabi nito Sarap nyang bagsakan ng bangko! Mabuti na lang may respeto pa ako rito. Don't get me wrong, hindi naman ako nagagalit sakanya dahil may gusto rin sya kay Herold kundi yomng pagiging bida nya minsan sa klase tapos pagiging bully. "Huy tumahimik na nga kayo. Please continue Omar." Saway ng isang kaklase namin. Tumahimik na sila kaya nag umpisa na mag salita si Omar. Tumikhim muna ito "Ayon nga, sabi ni Herold kabababa lang mula sa taas na wala tayong klase ngayong araw.. pero!" pabitin nya ng nag simula na mag ingay "Sabi ko sainyo eh!" ani Joe Uminat si Violet "Bar pala tayo ulit mamaya? May pa-foam party mamaya!" excited na sabi ni Violet, tukoy sa bar na lagi naming pinupuntahan. Mukhang nagising si Danver sa binanggit ni Violet "Lets go!" "Great!" bumaling si Violet sakin "Ikaw g ka?" ngumisi ako sabay nag thumbs up. Oh hell need ko ng bar ngayon dahil sa nangyari kanina! My goodness, ayaw ko na mangyari pa ulit yon sa harap ni Herold. Mahirap mapahiya sa harap ng crush. Tumayo na kaming apat ng nag bilin na lang si Omar na mag linis ang mga cleaners ngayong Monday and heck! Kami yon. "Oh mag linis ka na Danica, nag linis na kami kanina " sumipol si Joe. "Hoy wag ka nga sinungaling! Eh ako nauna kanina rito, impossible na nag linis kayo!" pumameywang ako sakanila. "Ssshh! Mag linis na lang kayo" sigaw ni Omar sa ingay namin. Umirap na lang ako bago tinutukan si Joe ng walis tambo. "Maglinis ka!" "Haha! Hindi mabiro" ani nito habang nangunguha ng dustpan. Mabilis rin naman natapos kaya heto kami sabay sabay na nag lalakad palabas ng gate papuntang parking lot. Malayo pa lang ay nakita ko ang SUV na sumusundo saming tatlo. "Violet sabay ka na" ani Danver. Mabilis na umiling si Violet bago ngumiti "Hindi na, may susundo sakin kasi" sabi nya. Saktong may pumaradang Black Audi R8 sa harapan namin. "What the f**k dude! That's the latest Audi right?" namamangha ani Joe. Kahit ako rin napatulala. Boyfriend nya? Bumaba ang bintana sa driver seat, hindi naming makita kung sino yon kasi humarang si Violet at nakipag usap roon. "Hindi ko alam na may boyfriend na si Violet" ani Danver. Tumango ako "Woah. Boyfriend nya yan? Bakit parang wala naman akong napansin kagabi na kasama nya. She even dance like a wild cat right?" Joe. Nagkibit balikat na lang ako, well kakakilala pa lang naman naming sakanya. Even her last name, hindi namin alam. Natapos na siguro mag usap sila ng boyfriend nya dahil sumarado na ang bintana nito. Lumingon samin si Violet. "Pinayagan ako! So see you later?" Ngumisi si Joe at nag thumbs up "Alright lets party!" tumango si Violet at nag paalam samin bago umikot at sumakay sa shotgun seat. Bumusina muna yong Black Audi R8 na sumundo sakanya bago mabilis na umalis. Napasigaw si Danver "s**t man! That's my dream car!" Pumasok na kami sa SUV. Mayroon naman kaming driver kaya naupo na lang kami. Si Joe ay naupo sa shotgun seat habang kami ni Danver ay dito sa likod. Nagsimula na mag ingay ulit silang dalawa kaya bumaling na lang ako sa bintana. Pipikit n asana ako ng may nakita akong tao na laging nakakakuha ng atensyon ko. Nakita ko si Herold palabas ng Xander University. Pero hindi lang yon kundi ang kinagulat ko ay may kasama syang babae. She's familiar, Si Athena ang Secretary ng Student Council. Ganon pa rin ang mga mata nya na seryoso habang nakatingin sa dinadaanan nila. Nag iwas ako agad ng tingin sakanya bago bumuntong hininga. Pag karating ko sa bahay ay sinalubong ako agad ni Mom. "Oh ang aga mo ah. How's your day?" bungad ni Mom. Nasa mid 40 na sya pero ang bata nya pa rin tignan. Nakasuot sya ng dress na aabot na sap aa nya ang laylayan. Hinalikan ko si Mom "I'm so tired Mom." Simpleng sagot ko "Si Dad?" "Nasa rooftop kakwentuhan sina Tito Robert at Tito Nico mo, alam mo na free time nila e" kibit balikat ni Mom. Dad nina Joe at Danver iyon. Tumango ako, mag papaalam sana ako kay Dad na maki-party kami nina Danver at Joe pero mukhang busy siya kaya kay Mom na lang. "Mom punta kami nina Danver at Joe sa bar, may pa-foam party sayang naman" "Diba sabi ni Dad mo hindi ka na pwede mag bar pag may pasok na kayo?" Mahirap mag paalam kay Mom, kung si Dad lang ang kausapin ko sigurado papaya na yon. "Mom please? Last na to. Last na last!" pag pupumilit ko Napa-buntong hininga si Mom, hindi ako matitiis nito. Napangisi ako "Okay basta sakanila ka lang sasama hah? Walang gagawa ng masama Danica!" Malapad ang ngising niyakap ko si Mom "Yes Mom! I love you!" lambing ko. Nag paalam na ako kay Mom paakyat ng hagdan. Pinatay ko ang oras pag hahanap ng damit na susuotin ko para sa party mamaya. Hindi ko alam pero parang gusto ko mag suot ng fitted na party dress ngayon, well kagabi ang sinuot ko naman ay pants kaya wala naman masama mag rebelde ngayon. Madaming nangyari ngayong araw! Napahiya na nga ako, nakita ko pang may kasama pa syang babae. Napalunok ako ng maalala ang itsura nila kanina. Bagay sila.. Winaksi ko ang iniisip bago sinuot ang napili kong dress. I apply makeup on my face, I even use dark red lipstick. Oh.. nagising ako ng narinig ang bumisina ng SUV nila. Agada gad ko na kinuha ang purse ko bago bumaba ng hagdan. Saktong andon si Mom sa pintuan kaya hinalikan ko na sya at nag paalam. "Bye Mom! Paalam mo na lang ako kay Dad." Nag mamadali kong sabi. "Danica! Bakit ganyan suot mo?" sigaw ni Mom. Nag flying kiss na lang ako kay Momk bago pumasok sa loob ng SUV. Sumalubong ang kunot nuo nilang tingin sakin. "What are you wearing?" ani Danver. Tumaas ang kilay ko. "Dress" "Ang ikli" ani Joe "So what?" "Mababastos ka sa suot mo" seryosong sabi ni Danver. Umirap ako, goodness ito na naman sila. "Malamang, bar yon eh" sarcastic kong sabi "Danica! Nag paalam ka ba kay Tito na ganyan ang suot mo?" tanong ni Joe "Malamang.." sabi ko bago iwas ng tingin. "Siguraduhin mo lang kundi malalagot kami kay Tito. Sige na Joe mag drive ka na" ani Danver. Well sana lang hindi ito makaabot kay Dad. Nakarating na kami sa bar, sa labas pa lang nakita na naming si Violet na naka short at naka tube. Kumaway sya samin. "Oh my! Ang sexy mo ngayon Danica!" gulat na sabi nya Ngumisi lako "Ikaw rin" humagikgik ito bago bumaling sa dalawang kasama ko na serysoso pa rin ang mukha. "Oh ano ang nangyari rito?" Nagkibit balikat ako "Hayaan mo yang mga yan.." hinila ko na si Violet papasok pero bago yon ay lumingon ako sa dalawa bago nginitian ng matamis "Pwede na kayo mambabae ngayon" umawang ang labi nila "For real?" namamnghang tanong ni Joe. Sabi na babae lang katapat nyang mga yan. Tumaas ang kilay ko "Ngayon lang." "Tsk kahit hindi mo sabihin gagawin namin" Ani Danverat nauna na samin pumasok sa loob. Sumipol si Joe bago hinabol yong kaibigan nya ngayon ay may kasama ng babae. Ganon kabilis ang mga yon. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD