HINDI na naiilang si Aya sa daddy ni Adam matapos nila itong makasama sa hapunan at ilang bonding kasama si Ava. Hindi na siya nag-aalala ngayon sa kapatid dahil alam niya na masaya na ito sa pinili nitong buhay. Tatlong araw lang nanatili ang mga ito roon sa teritoryo at nagpaalam na ang mga ito na sa bahay ni Luigi sa Baguio maglalagi ang mga ito hanggang sa manganak si Ava. Nangako naman siya na dadalaw sila roon ni Adam madalas. Nang makaalis na sila Ava ay madalas na nasa bahay lang si Aya dahil pinahinto na siya ni Adam sa pagtatrabaho. Pero sa tuwing tanghali ay umuuwi ito para samahan siya sa tanghalian. Wala pa ring petsa ang kasal nila dahil hindi pa tapos ang pag-aasikaso ni Adam sa papeles nito. Pagsapit ng hapon ay nagluto na siya ng hapunan nila ni Adam. Nagulat siya nang m

