bc

MONTEMAYOR vs ORTEGA A REVENGE FALLS INTO LOVE ( Tagalog )

book_age18+
30.1K
FOLLOW
162.9K
READ
billionaire
revenge
possessive
second chance
arrogant
billionairess
twisted
bxg
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Palaban si Caithlyn, at hindi siya ang klase ng babae na hahabol sa sinumang lalaki. Masyadong mataas ang standard niya sa pagpili ng lalaking bibigyan ng attention at pagmamahal. Ayaw na ayaw niya sa mga lalaki na hantarang magpakita ng gusto sa kaniya. Para sa kaniya ay walang challenge ang ganoong uri ng lalaki. Hanggang ma-encounter niya ang arroganteng lalaki na si Marcus. Sa sobrang inis ay binato niya ito ng kaniyang sapatos na mataas ang takong at sapol ito. Kaya ikinagalit ng lalaki at mabilis na sumakay sa kotse dahil plano siyang sagasaan, kaya ang ginawa niya ay umakyat sa hood ng sasakyan nito.

At makalipas ang mahabang panahon, totoong walang sikretong hindi nabubunyag. Matapos malaman ni Cathlyn na ginamit lang siya ni Marcus Ortega para paghigantihan ang pinsang si JM ay nilisan niya ang bansa. Lalo pa at buntis siya ng dalawang buwan sa anak nito. Sumumpa siyang ibabalik niya ang lahat ng pasakit na dulot nito sa buhay niya. At kailanman ay hindi kikilalanin ito bilang ama ng kaniyang anak.

Samantala ay halos magwala si Marcus sa galit na nararamdaman ng malaman na wala na sa bansa si Cathlyn. Hindi pa nga siya tapos makapag higanti kay JM ay naglahong parang bula na ang dalaga. Subalit sa paglipas ng mga araw at buwan ang galit niya ay unti-unting napalitan ng pangungulila. Lalo pa at nalaman niyang nagkaanak sila ng batang lalaki. Dumagdag pa ang kaniyang Lolo na nagmamadaling makita na ang kaniyang anak. Dahil ang anak raw niya ang siyang successor nito sa Ortega’s Empire. Ngayong ay saan niya hahanapin ang anak at babaeng hindi lang niya maamin sa sarili ay matagal na niyang minamahal.

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
Isang bar ang pinasokan ni Marcus, kailangan niyang mag relax muna dahil sa problema at masakit ang kaniyang ulo sa lahat ng nanyayari. Sa bar counter siya na upo, "whisky brod." Agad namang inabutan siya nang bartender at sunod-sunod niyang tinungga iyon, pagkatapos ay nag-order pa siyang muli. Samantala sa dance floor ay tilian at sigawan ang karamihan dahil may nagaganap na showdown. Dala ng curiosity ay tumayo si Marcus at nakipag siksikan sa karamihan nang tao sa dance floor. Dalawang babae ang nasa gitna at halos lumuwa na ang kaluluwa sa suot na damit nang mga ito. Ang mga kalalakihang nanonood ay parang mga hayok sa laman na gustong hawakan ang dalawang babae. Napapailing na akmang tatalikod na sana siya nang hablutin ng isang lalaki ang may katangkarang babae na ka showdown ng isa. Nagpumiglas ang babae at sa hindi malamang dahilan ay sinugod ni Marcus ang lalaki. Malakas na sipa ang pinakawalan niya at nabitawan nito ang babae. Pagkatapos ay wala siyang inaksayang oras at mabilis na hinila ang babae palabas nang bar. "Let me go!" malakas na sigaw ng babae nang marating nila ang parking kaya agad namang binitawan niya ito. "Imbis na magpasalamat ka ay nagtataray ka pa!" inis niyang sigaw rin dito. "What did you say?" "I said you are bitch!" sabay talikod niya at naglakad palapit sa kaniyang kotse. Subalit isang bagay ang malakas na tumama sa kaniyang katawan. "Fuck!" Inis na nilingon niya ang babaeng nakatayo, sampung metro ang layo sa kaniya. Dinampot ang heels nitong tumama sa kaniyang likuran at inihagis sa loob ng kotse. Mabilis siyang sumakay sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. "Asshole! Give me back my stiletto!" sabay harang niya sa harap ng kotse nito. "Do you want to die? tumabi ka riyan!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya sa babae. "Are you pinoy?" "I said get out of my way!" Sa halip na umalis ay nagulat pa si Marcus sa ginawa ng babae. Umakyat ito sa hood nang kanyang kotse at doon ay na upo. Walang nagawa si Marcus kaya napilitang bumaba nang kaniyang kotse at walang pakundangan na hinila ang babae kaya nahulog ito. At dahil lasing ay plakdang bumagsak sa semento. "Shit! A-aray! Gago ka! Oh my God! Dugo!" nagsisisigaw at namumutla siya sa takot na namalisbis ang luha. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Marcus nang makita ang mukha nito sa liwanag ng ilaw nang kaniyang kotse. Napakaganda ng babaeng ito at ang mga mata na hilam sa luha ay nagkukulay asul. Nagmamadaling nilapitan at binuhat saka ipinasok sa kaniyang kotse. "No! S-saan mo ako dadalhin? Ibaba mo ako dito!" sigaw pa rin nito sa kaniya "Stay!" dinukwang ni Marcus ang babae at kinabitan nang seatbelt. Parang namang namagnet si Caithlyn sa sobrang pagkakalapit nang mga mukha nila ng strangherong lalaki. Halos hindi siya humihinga dahil anumang sandali ay tatama ang hininga niya sa leeg ng lalaki. Parang nag-slow ang paligid nang magsalubong sila ng tingin sa isa't isa. Si Marcus ay parang na hypnotized nang mapupungay nitong mata. Hindi lang iyon ang labi na nag aanyaya ng isang matamis na halik. "Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" Malakas na itinulak siya ng dalaga at gustong matawa ni Marcus dahil muntikan ng mahalikan ang babae. "So pinay ka pala at ang lakas ng loob mong mag dirty dance sa gitna ng napakaraming lalaki, pagkapos nang binastos ka na ay saka ka pa magwawala?" "Pakialam mo ba! Hindi mo ako kilala, kaya wala kang karapatan na magsalita sa akin ng ganyan!" "Brat! Saan kita ihahatid at nang makauwi na ako!" "Dumiretso ka riyan," turo niya sa kahabaan ng highway. At nang umusad ang kotse nito ay sumandal na lang siya para pumikit, ayaw na niyang makipag usap pa sa antipatikong lalaking ito. Few minutes later... Halos marating na nila ang dulo ng highway ay hindi pa rin umiimik ang katabi niya. "Hey woman! Saan ba talaga ang bahay mo?" Saka lang niya napansin na tulog na pala ang babae kaya pinaharurot ang sasakyan at dumiretso na nang uwi sa kaniyang bahay. Bahala ang babaeng ito kong magalit man at magwala ito ay wala siyang pakialam. Pagkababa ay parang papel na binuhat ang babae at dinala niya sa itaas nang bahay. Malaki ang hakbang na ipinasok sa kaniyang kwarto at ibinaba sa ibabaw ng kama. Dumiretso sa loob ng banyo at naligo saka nagmamadaling lumabas, tinungo ang closet at nag bihis ng sando pati na boxer short. Saka lang napaisip kung bakit dito niya dinala ang babae. May guest room naman bakit nga ba sa kaniyang bed niya ito naipasok. Bahala na si Batman at antok na talaga siya. Mabilis na inayos ang comforter at nahiga na sa tabi ng babae. Bandang madaling araw ng magising si Caithlyn dahil kailangan niyang gumamit ng banyo kaya nagmamadaling bumangon. At si Marcus ay napadilat nang maramdamang umalis ang katabi pero nanlaki ang kaniyang mga mata nang maghubad ito ng damit at naglakad papasok ng banyo. Gustong matawa ng binata dahil siguradong segundo lang ang lilipas ay tatakbo ito palabas nang banyo. At ito na nga biglang bumukas ang pinto, "who are you at bakit ako naririto?" Ini-on ni Marcus ang ilaw at nagliwanag ang buong silid. Napamura siya ng tumambad sa paningin ang hubad na katawan ng babae. Samantala si Caithlyn ay hindi malaman ang gagawin at sa sobrang pagkataranta ay sa kama siya tumakbo, pumasok sa loob ng comforter at nagtalukbong. "Lumabas ka! Doon ka nga sa ibang room at nang makapag bihis ako!" "Bahay ko ito at kung gusto mong umalis eh 'di lumabas ka na nang bahay ko," wika niya na lihim natatawa sa dalaga. Tingnan lang niya kung anong gagawin ng gandita na ito saka siya umakyat sa kama upang pumasok rin sa loob ng comforter, pero natigilan siya nang magkadaop ang kanilang katawan. Bigla ang pagkabuhay ng kaniyang alaga, at ang pag akyat ng kakaibang init sa kaniyang katawan. "Pucha! Pag hindi ka pa umalis riyan ay pagsisihan mo iyan!" "Paano ako aalis ay ayaw mong lumabas para makapag bihis ako!" malakas niyang sigaw. Kaya naman walang nagawa si Marcus at mabigat ang paa na napilitang lumabas ng kaniyang kwarto. Lumipat siya sa guest room at nilagyan ng bagong kobre-kama iyon, hindi naman niya maaaring palayasin ng ganitong oras ang babaeng 'yon. "Are you done?" tanong niya sa dalaga habang nanatili siya sa labas. Bumukas ang pinto at nagmamadaling lumabas ang babae para bumaba nang hagdan. "Hey! Stay, doon ka na sa guest room matulog." "No! I will go home!" "Saan ka sasakay sa ganitong oras?" "Ouch!" Nagmamadaling bumalik at hinarap niya ang lalaki. Kailangan niyang lakasan ang loob para magmukhang matapang siya. "Saan ba ang guest room?" nakataas pa ang kilay niya na tila isang reyna kung magtatanong. "Ayan sa tapat na pinto, may mga damit din diyan na pwede mong magamit. At huwag kang mag alaala damit ng kapatid ko ang mga yon at hindi pa niya nagagamit. A-and f-feel at home, good night." lintek! Bakit ba siya nauutal sa harap ng babaeng 'to?" Magpapasalamat pa sana si Caithlyn nang biglang sumara ang pintuan. "Jerk! Antipatiko huh!" at tuluyang pumasok na sa guestroom. Hihiga na sana si Marcus nang namataan ang pouch ng dalaga na nakapatong sa side table. Dinampot niya iyon at binuksan may gusto siyang malaman kung sino ang babaeng ito. Tanging lipstick, powder at small perfume ang laman. Isasara na sana niya iyon nanng namataan ang driver license nito sa gilid. Halos mabitawan niya ang hawak nang mabasa ang buong pangalan ng dalaga. Bigla ang pagpasok ng kakaibang idea at ngayon pa lamang ay parang gusto na niyang magdiwang. May nabubuo agad siyang plano na siguradong makakapagpasiklab sa dugo nang mga Montemayor. Kinabukasan ay nagising si Marcus nang wala na ang babae, ngunit ang pouch nito ay naroon pa rin. Kaya nagmamadaling maligo at dinampot ang car key pati na ang pouch at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Pinasibad niya ang sasakyan papunta sa address ng dalaga. At makalipas ang halos isang oras, "ikaw? Anong ginagawa mo dito, pwede bang umalis ka sa bakuran ko dahil hindi ka welcome dito!" "Okay, ayaw mo na nito?" sabay wagayway ng bagay na hawak ni Marcus. "Bakit nasa iyo 'yan? Akina nga at nang maka alis ka na!" ngunit itinaas iyon ng binata at nag-devil smile pa sa kaniya ito. "Jerk! Ano ba! Ibigay mo sa akin yan!" "Gusto mong maibalik sa iyo ito sa'yo?" "Of course akin yan eh! Give me back! Ano ba nagagalit na ako!" namumula na siya sa inis sa antipatikong lalaking ito. "Sa isang kondisyon! Pag pumayag ka ay mapapasa iyo ito. Pero pag hindi ay mag-apply ka na lang ng bagong driver's license." "Ano bang kailangan mo?" "Bakit hindi mo kaya ako papasokin muna at ng makapag usap tayo ng maayos?" sabay kindat niya sa namumulang mukha nito. "Pasok!" Siguraduhin mong maganda ang kondisyong sinasabi mo! Or else you regret!" Tumawa lang siya sa katarayan ni Ganditang may kaakit-akit na mga mata. May nakakaakit na alindog at nakakapagpainit ng kaniyang buong sistema. "Staring my butt is the big sin! Tutusukin ko ang mga mata mo! Ngayon sabihin mo na ang kailangan mo!" konti na lang at talagang sasabog na siya sa inis. "Paupuin mo kaya muna ako, baka gusto mo rin na alukin ako ng masarap na pagkain or inumin?" "Aba't hindi rin pala makapal ang mukha mo ano? Ano bang gusto mong kainin o inumin?" Nangingiti ang pilyong si Marcus sa klase ng tanong ng dalaga sa kaniya at unti-unting umiinit ang kaniyang pakiramdam. "Ano na?" "Ikaw! Can i eat you or mas magandang, can i drink your sweet juice cherry?" "Bastos!" malakas niyang hinampas ang lalaking kaharap. Naghahalo ang pag iinit ng kaniyang mukha at kakaibang pakiramdam. "Hey stop! Nakakasakit ka na huh! Bakit ang bayolente mo? Ang akala ko pa naman ay isa kang anghel, hindi naman pala." "Kung wala kang ibang sasabihin Mr. Jerk! Umalis ka na sa bahay ko!" "Okay, awat na Ms. Gandita!" "Caithlyn! Iyan ang pangalan ko! Not Gandita!" "Okay, Ms. Caithlyn, I have five condition at pag nagawa mo iyon ay saka mo lang makukuha ang pouch mo." "What? Sumusobra ka na! Ang dami mong demand letsi ka! Feeling close ka rin eh! Bakit magkaibigan ba tayo?" "Hindi! At hindi tayo pwedeng maging mag kaibigan! Basta gawin mo ang five conditions ko. "Deal or No Deal?" "Sige sabihin mo and i will try." "Not now, give me two days dahil ipapa print ko pa iyon. Kailangan ko ng pirma mo para siguradong tutupad ka sa usapan." "Get out!" muntik nang tamaan si Marcus ng isang maliit na pigurin. Mabuti at magaling siyang sumalo. "Sayang naman ito kung babasagin mo lang sa katawan ko. Akin na lang ito!" sabay alis kaya lang ay bumalik din agad. "Yong cellphone mo akina." "Ano? At aanhin mo naman yon?" "Basta give me, para makaalis na ako!" "Ayan, at pakibilisan! Gusto ko ng magpahinga!" "Bakit napagod ba kita? Hindi pa nga tayo nagsisimula ay pagod ka na kaagad?" pilyong ngiti niya sa hindi naka imik na babae. May dinayal siyang numero sa cellphone ni Caithlyn. Nang mag ring ang sariling cellphone ay agad na ibinalik iyon sa babae. "Thanks Gandita, pa kiss nga!" "Ughn!" Halos mapupusan ng hininga ang hindi nakahuma na babae. "Bye, sarap ng lips mo!" sabay tawa ng malakas at tumakbo na palabas, "see you soon baby." "Asshole!" ngunit sumara na ang maindoor at ugong na lang ng kotse ang kaniyang narinig. Napamura si Caithlyn, at gustong magwala sa inis. Dalawang beses pa lang niyang na meet ang lalaki ay nahalikan na agad siya nito. Kung hindi lang mahirap na mag apply ng bagong driver's license dito sa Europe ay nunca na bawiin pa niya iyon. But infairness ang bango ng lalaking iyon, at ang katawan yummy. Kahit nakasuot pa ng t-shirt ay humahakab ang abs sa manipis na suot. Ang matitigas na muscles sarap pisil pisilin. Nakaramdam ng kakaibang init at pagka alinsangan si Caithlyn habang laman ng isipan si Marcus. Nakakahiya mang aminin pero may kakaibang init ang hatid ng halik na iyon. Init na dumadaloy sa kanyang kaibuturan. Nag ring ang kanyang cellphone, hindi rehistrado ang numero kaya hindi niya sana iyon sasagutin ngunit sa bandang huli ay nagpasya na sagutin rin. "Hi sweet lips, kumusta ang masarap mong labi?" "Asshole! 'Yan lang ba ang sasabihin mo? Kaaalis mo lang dito ay may patawag tawag ka kaagad?" "Na miss ko 'yong halik eh, pwede bang ulitin natin 'yon baby?" "Hoy! Mr. Marcus!" "Yes my sweet lips, oi na miss mo ako ano?" Sabay malakas niyang tawa. Hayaan mo at pag nagkita ulit tayo ay hindi lang halik ang ibibigay ko sayo. Sisiguraduhin kong isisigaw mo pa ang pangalan ko." "Bastos! Walang modo! Goodbye!" "Pa kiss muna baby," subalit dial tone na lang ang kaniyang narinig. Hindi makapag isip ng maayos si Marcus kung saan siya magsisimula para sa plano niya. Sisiguraduhin niyang maigaganti ang kaisa isang kapatid sa Montemayor na 'yon!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

His Obsession

read
71.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook