Chapter 10 "It's okay, Max. Nandito ako hindi kita iiwan at poprotektahan kita kahit ano mangyari." Niyakap ng babaeng nasa 16 years old ang leeg ng batang lalaki nasa 8 years na ngayon ay nakaluhod sa lupa. Sa harap ng bata ang may dalawang libingan. Nakasulat sa mga libingan na iyon ang mga pangalan ng parents ni Max. "Ate!" Umiyak ang batang si Max at humarap sa kapatid. Niyakap niya babae sinabi na natatakot siya. "Max~" "Max." Napatigil ang batang si Max 'nong may humawak sa kamay niya. Lumingon siya tapos may nakita siyang babae na duguan. "No! Let me go!" Hinihila siya ng mga ito at napabitaw siya sa kapatid. "Ate!" Tumingin si Max sa kapatid. Napatigil si Max at parang nabuhusan ng malamig na tubig after makita na nakatayo lang ang kapatid doon at nakatingin sa kan

