HALOS HINDI NA humihinga si Berry habang papasok ng grand ballroom ng engrandeng hotel kung saan gaganapin ang birthday celebration daw ng chief justice ng supreme court ng bansa. Lahat ng makita niya ay tila mga gintong baryang kumikinang, lalo na ang napakalaking chandelier sa pinaka-gitna ng venue ng party na dinaluhan nila ni Matthew nang gabing iyon. “Grabe, Matthew. Akala ko ‘yung mansyon na ni Lolo ang pinakamaganda at pinakamalaking bahay na makikita ko. Meron pa palang gaganda dun!” pabulong niyang wika. “Nakakalula dito. Pero ayokong malula. Ang daming kumikislap na bagay kapag tinamaan ng ilaw. Ay, tingin mo magkano ang isang piraso ng mga palawit ng ilaw na iyon?” “Walang value ang mga iyan kung hindi nakakapit sa iisang chandelier.” “Ay, ganon? Kahit sa junkshop?” “No.”