CHAPTER 5

1116 Words

NATIGILAN PA SI BERRY nang sa pagpasok niya ng sala ay mapalingon sa kanya ang atensyon ng mga taong naroon. Pinagpagan niya ang suot na cargo pants. Baka kasi may mga lupa pang dumikit doon nang madulas siya kanina sa paggala niya sa paligid ng mansion. Nakakahiya naman na ang linis at elegante ng mga tao roon habang siya ay mukhang tulisang gubat. Baka bawasan ni Lolo ang mana ko. Napansin ni Berry na halos ng tao sa mansyon ay naroon sa sala. Tatlong araw mula nang dumating siya roon ay ngayon lang niya nakita ng buo ang bago niyang pamilya. Hatian na ba ng mana? “Ate Berry, saan ka galing?” tanong ni Eira Daldalita. “Naghanap ng signal ng cellphone.” “May nahanap ka?” “Wala nga, eh. Kung saan-saan na nga ako nakarating sa paghahanap ng signal.” Na ilang araw ko ng ginagawa. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD