Halos hindi makagalaw si Stella sa ibabaw ni Phrixx, parang huminto ang galaw ng mundo para kay Stella, hanggang sa nahimasmasan siya at naitulak niya si Phrixx, at bigla siyang napatayo ngunit sa kanyang pagtayo ay hindi niya nabalanse ang kanyang katawan dahilan ng kanyang pagkadulas ulit at saktong pagtayo ni Phrixx ay hinila siya ni Stella kaya bumaliktad naman ngayon ang nangyari si Stella naman ang nasa ibaba at si Phrixx naman ang nasa itaas ni Stella, at magkalapat ulit ang kanilang mga labi, nang mahimasmasan ulit si Stella ay tinulak niya ulit si Phrixx. Kaagad na tumayo si Stella, at patakbong iniwan niya si Phrixx na parehas niyang putikan ang damit at katawan, naiwang nakangiti si Phrixx sa nangyari sa kanilang dalawa ni Stella,a lam niyang siya ang nakauna sa halik ng dalaga.