Tahimik ang lahat, habang nagsasalita si Phrixx, galit na galit na ito sa nangyari kay Stella, at sa kapabayaan ng paaralan. Walang gustong magsalita sa kanila, pati si Vica ay nanahimik na lamang. Nag-iisip ito kung bakit nasabi ni Phrixx ang mga bagay na 'yun tungkol kay Stella, sino nga ba talaga si Stella. Ngunit, ganon pa man ay hindi pa rin siya takot kay Stella, iniisip niyang malakas siya dahil kilala niya si Phrixx. "Ano wala pa rin bang magsasalita, at aamin kung sino ay may gawa sa nangyari?!" galit na boses ni Phrixx ang gumulat sa kanilang muli. Nilabas na ni Phrixx ang galit no'ng nalaman niyang bina-bully at tinapunan ito ni Vica nang milktea. "May nakita po akong huling umakyat sa bus noon." ani Vica, napatingin naman sa kanya ang mga nasa loob ng opisinang 'yon. "Sino?