"Sino si Stella?" tanong ulit ni Donya Ellen kay Phrixx. "Mom, akala ko ba umuwi ka na?" tanong ni Phrixx. "Uuwi na pero, may nakalimuta ako, kaya bumalik ako, at huwag mong iwala ang usapan, sino si Stella aber?" taas kilay na tanong ni Donya. "Mom, kaibigan ko lang si Stella." pagsisinungaling nito sa ina. "Phrixx, siguraduhin mo lang na wala kang tinatago sa akin." ani Donya Ellen kay Phrixx. "Mom, naman." ani Phrixx. "Kapag ako, niluluko mo at may tinatago ka sa akin, humand ka." banta ng ina. "Mom, ano ba nakalimutan mo?" pagwawala ni Phrixx sa usapan nila, alam niyang makulit ang ina. "Wala." ani Donya Ellen, saka tumalikod na ito. Nakahinga naman ng maluwang si Phrixx ng makitang umalis na talaga ang ina, at hindi siya kinulit nag kinulit nito. Hindi niya puwedeng sabihin sa