Lumapit pa si Tamina para tingnan ang isang folder, kinuha niya ito at binasa, dahil gusto niyang malaman ang nasa loob kaya binuksan niya ito, ngunit walang laman ang naturang folder. Binalik niya ito saka umupo sa may sofa sa loob ng opisina ni Phrixx. Hihintayin niya kung kailan babalik si Phrixx, relax muna siya dahil may nag-aalaga sa kanyang anak. Samantalang inis na inis si Melvie, dahil marami pa siyang gagawin na kailanagn niyang tapusin, tapos ngayon may aalagaan pa siyang bata, na duda niya ay hindi naman ito anak ng kanyang boss. "Anak ka ba talaga ni Sir Phrixx?" tanong ni Melvie sa bata, tiningnan niya ulit ang bata bakit kasi n***o ito at ang layo pa ng mukha ng bata sa binatang amo niya. "Kapag wala talaga akong matatapos ngayong araw na ito, kasalanan talaga ng babaeng