DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 MATTHEW & KIERSTENN 37 Napasarap nang tulog si Tenten at hindi p nagigising. Inip nang naghihintay si Matthew at nakabahis na rin ito. Muli siyang pumasok sa kanyang kwarto habang hawak ang cotton buds. Napapangisi ang binata habang pinagmamasdan ang mahimbing na si Tenten. Nakanganga pa ito at nakataas ang dalawang kamay na nakabuka pa ang mga hita. Napapailing na napapatawa si Matthew. Lumapit siya sa kama at dahan-dahang umupo sa gilid. Marahan niyang ipinasok ang cotton buds sa loob nang ilong ni Tenten. Inikot-ikot niya iyin kaya kumilos ang dalaga. Mabilis na inalis ni Matthew ang cotton buds sa ilong ng dalaga. Kinamot lang ni Tenten ang kanyang ilong. Muling ginawa ni Matthew ang ginawa nito kanina. Humatsing si Tenten ng malakas daan upang mag

