MADGET TWENTY YEARS LATER MALAKING malaki na ang pamilya naming dalawa ni Conor. Anim na ang aming anak at isinilang ko pa bilang pang-anim si Clarisse. Apat na lalaki at dalawang babae ang anak naming dalawa at ngayon ay hindi kami nagsisisi dahil lumaking mababait at responsable ang aming mga anak. Nagtapos na sa San Lorenzo University ang tatlo sa aking mga anak. Si Cornelius ay isa nang engineer at nagpaplano nang bumuo ng kanyang pamilya dahil engaged na rin siya sa kanyang seven-year girlfriend na si Venus. Ang pangalawang anak naming si Crisanto ay isa namang pulis na nauna nang nag-asawa kaysa sa kanyang kuya sa edad na 25. Sa ngayon ay mayroon kaming isang apo sa kanya na si Clyde. Dalawang taon na siyang kasal kay Arlene at nagpaplano na silang bumukod sa susunod na taon da