CONOR ISAAC NGAYON ang araw ng kasal naming dalawa ni Madget at ngayon ay kasama ang aking pamilya ay nasa simbahan na ako habang naghihintay sa bridal car na lulan ang aking mapapangasawa. Habang naghihintay ay mayroon akong ibang pakiramdam sa aking dibdib na para bang dahilan kaya hindi ako mapakali. Hindi ko rin maipaliwanag kung excitement ba ito o kung ano na. Basta't ang nasisiguro ko ngayon ay kinakabahan ako. Hindi dahil sa natatakot ako na baka hindi siya dumating. Nakakakaba lang talaga. Nakakakaba na pakiramdam ko maiiyak ako. Ito ba ang isang side ng pagiging topakin ko? Ang maging emosyonal? "Anak, wala pa rin ba sila?" Lumapit sa akin si nanay at nagtanong nito. "Wala pa po nay," sagot ko na nakatingin sa pintuan ng simbahan. "Hindi ba dapat andito na sila? fifteen m