MADGET "THE BEST ka talaga! Ikaw ang kumuha niyon?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Analisa sa akin. Siya talaga ang kumuha niyon ang alam na alam niya kung ano ang mga nangyari. "Well, ikaw ba naman ang magkaroon ng friend na bukod sa maganda na, mayroon pang talent, di ba?" proud na proud niyang wika. "Eh bukod sa hacking mayroon ka pa palang ibang talent, ang magnakaw," natatawa kong sabi. "Grabe ka sa akin ha? Hindi iyon magnakaw ng mali, kung sana ay intensyon ko ang ibang bagay ay baka virginity ni Attorney Azurin ang kinuha ko that night." "Ay iba ka rin ha? May something ka sa abogado na iyon, aminin mo," natatawa kong sabi sa kanya. "Well, kung liligawan niya ako, sasagutin ko na siya kaagad." "So hindi na kailangan ng ligaw kung gano'n." "Syempre, kailangan pa rin."