Chapter 2

2201 Words
Kinabukasan, maaga silang gumising at naghanda pauwi sa probinsya. Dahil magkalapit lang sila ng bus terminal na pupuntahan sa Sampalok ay nagpasya ang magkaibigan na sa isang taxi nalang sila sumakay, syempre ang nakaisip ng ganitong set up ay si Sheng na nagtitipid lagi. "Bessy, after a month, magkita ulit tayo ha. Remember, promise natin na magbabakasyon ako sa inyo at ikaw naman sa amin," paalala ni Sheng kay Bianca. "Oo naman bessy, dapat na matuloy tayo kaya h'wag ka mag-kuripot ulit ng pamasahe ah," natatawa niya ring paalala. Paano lagi silang inabot ng siyam-siyam basta may lakad dahil lagi nag-co-compute ng budget si Sheng. "Naku babae, wala tayong na ipon ngayon kung hindi ako gano'n. Hello, eh ikaw, lagi gumagastos na parang walang inaalalang bukas," komento nito. tumahimik si Bianca dahil alam nya sa sarili nya na magastos talaga siya. Mabuti na lang talaga at nandyan ang kaibigan na lagi nagpapaalala sa kan'ya kahit na parang nasobrahan naman yata ito ang pagiging kuripot. Dahil sa masayang usapan halos hindi na napansin ng dalawa na nakarating na sila sa terminal. Nauna ng bumaba si Sheng at sunod siya ang hinatid ng taxing sinasakyan. Para wala ng mahabang drama nagpaalam at mahigpit na nagyakap ang dalawa habang parehong may ngiti sa labi dahil excited silang makakauwi na nang probinsya at makikita na rin ang kani-kanilang pamilya Habang hinihintay ni Bianca na umusad ang bus na sinasakyan ay hindi niya maiwasan na pagmasdan ang paligid. Parang wala naman nag bago, tulad pa rin ng dati ang maynila. Maraming tao, magkakatabi ang mga establishment at mahaba pa rin ang traffic. Hay ewan ba niya kung bakit sobra-sobrang excitement ang nararamdaman niya ngayon. Parang may kakaiba sa pintig ng puso niya. Malakas ang kaba at pinaghalong saya. Hindi na tuloy maiwasang isipin kung ano ang magiging buhay niya ngayong nakabalik na siya sa bansa. Sa edad na bente-kwatro, wala pa siyang naging nobyo. Sabi nga ng mga kaklase ni Bianca, takot silang lapitan at ligawan. Bukod sa ang suplada at masungit daw siya tingnan e, boyish pa ang dating niya. Siguro dahil lumaki siyang responsable at hindi umaasa sa magulang. Dahil na rin sa hirap ng buhay, nakatungtong naman sya ng college 2nd year criminology student na rin siya ng tumigil sa pag-aaral. Hindi na niya kinaya ang pressure ng working student sabayan pa na sakitin ang ama kaya naisipan niya noon tumigil at mag-apply ng trabaho abroad. Mababait ang naging amo niya subalit napakahigpit. Laking pasasalamat ni Bianca na natapos at naka-uwi siya ng ligtas kahit na marami ang kaso ng mga pang-aabuso sa gitnang silangan. Ngayon heto siya, nag-iisip kung ano ang susunod na hakbang . Naalala tuloy niya si Sam ang masugid na manliligaw noon naisip niya tuloy kung kumusta na kaya ito. His a nice guy at responsible rin sa pamilya. Dahil panganay ito naisip ni Bianca noon na kailangan niya rin tumulong pagka-graduate kaya isantabi muna nang dalawa ang balak na pag-sagot dito dahil gusto niyang unahin muna nito pamilya kesa pag-ibig. "Kapag single pa siya at walang commitment siguro this time pagbibigyan ko na siya," nakangiting bulong ni Bianca sa sarili. Napangiti siya sa naisip. kinapa sa puso niya ang excitement at pagmamahal ngunit parang wala siyang naramdaman na special para dito. Humahanga siya dahil sa determination nito ngunit pakiramdam niya hanggang doon lang 'yon. "Ano ka ba self, parang excited ka naman na magka-boyfriend kaya kung anu-ano na lang ang iniisip mo. Saan ko ba Kasi mahahanap ang love of my life ko?" reklamo niya sa sarili. Sa haba ng biyahe pauwi sa probinsya, hindi niya maiwasang makatulog. Nagising siya na malakas ang kabog ng dibdib bagay na ipinagtataka niya pero inakalang excited lamang siyang makita ang pamilya. Naputol lamang ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ng marinig niyang tumunog ang cellphone na nasa loob ng bag sa tabi niya. "Hello," agad na sagot ni Bianca. "Hello 'nak, nasaan ka na?" tanong ng ina sa kabilang linya. "Nasa Quezon province na po ako, 'ma. Hindi ko lang alam exact location nakatulog po kasi ako," paliwanag niya sa ina. "Bata ka mag-update ka kung malapit ka na anak at hintayin ka namin sa highway. Mahirap na at siguradong gabi ka na makakarating dito. Malakas ang ulan ngayon Kaya mag-ingat ka," dagdag nito. "Sige po mama," sagot niya. "Okay, mag-ingat ka anak. Miss ka na namin at sobrang excited na ang papa mo na makita ka," masayang wika ng kan'yang ina. "Okay po mama see you soon, bye " paalam nya rito. "bye anak," ang kanyang huling narinig bago pinutol nito ang tawag. Wala pa halos limang minuto ng mag-ring ulit ang hawak na cellphone. It's sheng. "Hi bessy, kumusta byahe mo?" masayang bungad nito sa kanya. "Ayos naman bessy ito ang lakas ng ulan at ang lakas pa ng air-con. Kaya halos manigas ako rito," sagot niya. "Lagot na, takot ka pa naman sa lamig. Hindi ka pa nasanay sa nagyeyelong klima sa Lebanon. Mabuti pa maghanap ka na ng lalaki bessy para may mag-papainit na sa 'yo," tumatawang saad nito. "Gaga, ka talaga kung anu-ano na naman lumalabas sa bibig mo, palibhasa hindi kana virgin," pang-aasar niya sa kaibigan. "Bessy, sinasabi ko sa 'yo, 'pag natikman mo 'yan hahanap-hanapin mo," biro ni Sheng kay Bianca. "Bruha, tutal nauna ka naman nakatikim ng lalaki, kwentuhan mo na lang ulit ako. Alam mo namang ako ang number one fan mo," naka-ngisi niyang tugon dito. Ganito silang mag kaibigan, sa kabila ng lungkot at hirap sa ibang bansa natagpuan nila at naging sandalan ang isa't isa. Naging matalik na magkaibigan kahit pa malaki ang pagkakaiba ng ugal nila. "Sige ba bessy sayang ang load ko. Hindi ako naka-unli call. Mahal pa naman ang regular call," paalam ng kaibigan sa kan'ya. "Saksakan ka talaga ng pagka-kuripot. Kahit simpleng tawag lang binibilang mo agad. Bessy, sinasabi ko sa 'yo, isusumpa talaga kita 'pag lagi mo akong tinitipid," umiikot ang mga mata na nag-dadrama na sabi sa kaibigan. Tumawa lang ang kaibigan bago pinutol ang tawag. Dahil malayo pa naman at mahaba ang oras pinilit niyang makatulog ulit. Sa pagpikit ng mga mata ay agad nahulog siya sa kawalan. Saglit pa, biglang may tao siyang nakita sa panaginip niya. Pilit niyang inaaninag ang mukha nito subalit malabo ito kahit pa malapit lang ito sa kan'ya. "Sino ka? " mahinang usal ni Bianca. Hindi ito sumagot at naglakad palayo pagkatapos siyang halikan sa labi at haplusin ang magkabilang bahagi ng kanyang pisngi Pinagpapawisan siya ng malagkit ng magising. Labis siyang nagugulahan kung bakit gano'n ang laman ng kan'yang panaginip. Walang laman ang isip niya kung 'di tungkol sa lalaking napanaginipan at kung sino ito. "Bakit bigla akong nanaginip ng gano'n?" bulong na tanong ni Bianca sa sarili. "Siguro kasi kung anu-ano ang laman ng isip ko kanina bago nakatulog kaya pati panaginip ko may ganong eksena ang nakita ko. Hay naku self, nababaliw ka na talaga!" napapa-iling na bulong ni Bianca. Saglit syang pumikit at kinalma ang isipan. Inalala ang tagpo at isang bagay ang na realize niya. HIndi man niya maaninag ang mukha nito pero malinaw na na niya ang matikas ang tindig nito habang nakasuot ng uniform. Army uniform to be exact. Binalewala ni Bianca ang panaginip but little did she know na magiging malaking bahagi ito ng kanyang buhay. Matapos ang mahabang byahe sa wakas nakarating rin si Bianca sa probinsya sa bicol. Pagod at nanlalata man ang katawan dahil sa haba ng byahe ngunit masigla pa rin ang kanyang pakiramdam. Nakita agad ni Bianca ang mga magulang na naghihintay sa kan'ya sa bus stop. Mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa mga ito at hindi niya napigilan ang luha sa labis na saya dahil sobrang na miss niya ang mga ito. Kahit salat sila sa buhay malapit silang buong pamilya sa isa't isa. Ang bawat isa sa kanila ang itinuturing na kayamanan ng kanilang mga magulang. Labis na nagpapasalamat si Bianca sa panginoon dahil may mabuti siyang pamilya. Matapos mag-mano sa mga ito ay inaya na siya ng kanyang ama na sumakay sa naghihintay na tricycle na maghahatid sa kanila pa akyat ng bundok. Malalim na ang gabi ng makarating sila sa bahay. Hindi tuloy niya naiwasang pagmasdan ito. Maliit lang ang bahay na gawa sa kahoy, sawali lang ang dingding at kawayan ang lapag. Napa-buntong-hininga na lang siya ng pumasok sa pinto. "Anak, ang lalim naman yata nang buntong-hininga mo. Sobrang na pagod ka ba sa byahe mo?" tanong ng ina. "Hindi po mama, okay lang po ako. Hindi ko lang po mapigilang isipin itong bahay natin. Dapat na ayusin natin ito kahit paano. Dahil malamig panahon ngayon lalo at tag-ulan na. Daanan pa naman ng bagyo ang lugar natin," sabi niya sa ina. "Naku saka mo na 'yan isipin anak, may bukas pa. Ipasok na natin ang mga maleta mo doon sa gilid ng makapag-pahinga ka na," wika ng ina. "Tulog mantika talaga ang mga kapatid mo. Hindi man lang na gising na nakarating na tayo at lahat mga naghihilik pa rin," narinig niyang sabi ng ama habang palabas ito ng silid. Napa-ngiti si Bianca na pumasok sa munting silid at sinilip ang mga kapatid. "Naku papa, hindi ka na po nasanay. Ganyan talaga ang kambal na 'yan. Bukas siguradong mag-iingay sila na hindi natin ginising ngayon," napapa-iling na lang na komento niya sa ama. "Kumusta ang naging buhay mo sa abroad anak? Labis kaming nag-alala ng mama mo lalo na at kaalis mo lang eh napabalita namang may giyera doon," tanong ng ama. "Okay lang naman po papa noong una ang kalaban namin talaga e, homesick po pero ng magtagal, nasanay na rin po ako. May naging kaibigan din po ako pilipina taga Cagayan si Sheng po. Bibisita daw po siya dito next month nang makarating din po siya dito at maka-pasyal sa atin," mahabang paliwanag niya sa ama. "Mabuti kung gano'n lalo at babae ka pa naman. Napakabata mo pa na nahiwalay sa amin kaya nag-aalala kami ng mama mo lalo at bihira ka tumawag at minsan ka lang din sumulat," saad ng kanyang ama. Totoo ang sinabi ng ama niya dahil bilang lamang sa daliri ang pagkakataon na pinayagan siyang tumawag ng amo. "Gano'n po talaga papa mahal din kasi tawag at may schedule lang po kami kung kailan p'wede sumulat," paliwanag niya. "Mabuti at nakauwi ka na. Palagay na ang loob namin na narito ka at ligtas." nakangiti na sabi nito. Laking pasasalamat ni Bianca na nakauwi siya dahil magulo ang bansang napuntahan. Sunod-sunod ang balita ng mga namatay na kababayan dahil sa mga pagsabog at pinasabog na mga ciudad dahil sa naganap na civil war doon "Kumusta po pala pakiramdam mo ngayon? Lagi pa din po ba kayong inaatake ng asthma at hirap huminga?" tanong niya sa ama. "Mas maayos na ngayon anak. Maganda ang naging epekto ng vitamins na ipinadala mo. Sabi ng doctor, maganda daw 'yon at nakatulong sa immune system ko," saad nito "Maigi kung gano'n, kaklase ko po ng highschool ang dealer nun si Angelo taga kabilang barangay lang natin," kwento niya sa ama. Masaya siya dahil kahit malaki ang sakripisyo niya sa abroad may pagbabago sa kalusugan ng ama. "Maigi pa anak ay matulog na tayo," aya ng ina habang nililigpit nito ang pinagkainan nila. "Heto gatas ng makatulog ka ng mahimbing." "Salamat mama, kaya lagi ko kayong namimiss kasi alam na alam mo kung ano gusto ko," nakangiting sabi niya sa ina sabay abot sa basong hawak nito. "Naku sa tanda kung ito alam na alam ko pa rin na batang gatas ka," natatawa na wika ng kanyang ina. Napangiti siya lalo na ng maalala ang mga panahon ng kabataan na nagtatago siya at umaakyat sa puno baon ang isang pack ng powdered milk. Hindi pa nag-iinit sa papag ng marinig ang tawag sa kanyang cellphone. Ring tone palang alam na alam nya na kung sino ito. "Hello bessy, nakarating ka na ba sa inyo?" bungad na tanong niya sa kaibigan. "Oo bessy heto at na bilang ko na ang labing-isa kong mga kapatid," tumatawa sago nito. "Oh, complete ba naman ang listahan ng mga kapatid mo?" natatawa na tanong niya rito. "Naman bessy, lahat sila naghahalukay ng maletang dala ko. Lahat gising na gising sila pati kaluluwa nila," masayang kwento nito. Isa ito sa nagustuhan niya sa kaibigan. Masayahin ito sa kabila ng pinagdadaanan nito sa buhay. Parang ang gaan lang ng lahat at parang walang mabigat na problemang dinadala. "Mabuti naman at nakarating ka na ang haba pala ng byahe d'yan sa inyo. Dapat pala nag-eroplano ka na lang kesa gan'yan," saad nya. "Naku bess,y kung sagot mo ba ang fare bakit hindi?" sagot ng kaibigan sabay hagikhik nito sa kabilang linya. "Alam mo naman ang sagot ko sa gan'yan. Sa dami ng mga kapatid ko, talagang super duper pagtitipid ko. Hindi naman kasi ako gaya mo na apat lang kayong Magkakapatid," sagot ni Sheng na napa-buntong-hininga pa. Sa totoo lang ay naawa si Bianca sa kaibigan. Halos mag-isa nitong itinataguyod ang mga kapatid at pamilya pero napahanga siya nito dahil kahit minsan ay hindi man lang nagreklamo. Tulad niya ay breadwinner ng pamilya si Sheng kaya naiintindihan talagang naiintindihan nila ang bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD