BIANCA Hatingabi na nang matapos kami ni Mavie sa shift namin ngayong araw. Nagkaroon kasi ng event at kailangan naming mag-overtime dahil sa ginanap na birthday celebration ng isang high-ranking immigration officer dito sa hotel. Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kaming dalawa ni Mavie habang naghihintay ng dadaang taxi. Pagod at inaantok na ako, tapos nakukulili pa ang tenga ko dahil sa paulit-ulit na pagrereklamo ng babaeng kasama ko. "Bakla, grabe, ang sakit ng mga binti ko. Alam mo namang ito ang ayaw ko. Nakakainis naman kasi at kailangan pa nating mag-overtime," nakangiwing reklamo ni Mavie. "May pera nga tayo, pero nakakabawas naman ng ganda ang nangyari sa atin. Look at me kung gaano ka-stress ngayon. Kapag lagi tayong ganito, maaga tayong magkakaroon ng wrinkles, plus varic