BIANCA Masaya ang naging kasal ni Sheng. Naluha pa ako nang magkausap kami at sinabi niyang finally ay natagpuan na niya ang lalaking aalagaan at mamahalin siya. Naging saksi ako sa mga pinagdaanan ng kaibigan ko at alam kong deserve niya ang happiness na tinatamasa ngayon. Naging instant photographer ko si Mateo sa simbahan. Wala siyang reklamo sa pagkuha ng mga larawan ko, at minsan naman ay puro selfie lang. May mga pagkakataon rin na magkatabi kaming dalawa at basta na lang niya akong kinunan ng larawan, pero parang normal na lang sa amin ang lahat. Hindi ko akalain na may lalaki pa palang mahilig sa mga larawan. Kung may award doon, bibigyan ko si Mateo. Siguro malaki pa ang space ng memory ng cellphone niya, kaya marami kaming pang-post sa e-book. "Bessy, ihahagis ko sa iyo ang