Chapter 2

2381 Words
Kinabukasan, maaga silang gumising at naghanda pauwi sa probinsya. Dahil magkalapit lang sila ng bus terminal na pupuntahan sa Sampalok ay nagpasya ang magkaibigan na sa isang taxi na lang sila sumakay, syempre ang nakaisip ng ganitong set up ay si Sheng na nagtitipid palagi. "Bessy, after a month, magkita ulit tayo, ha? Remember, promise natin na magbabakasyon ako sa inyo at ikaw naman sa amin," paalala ni Sheng kay Bianca. "Oo naman, bessy. Dapat na matuloy tayo kaya h'wag ka mag-kuripot ulit ng pamasahe, ah," natatawa rin niyang paalala sa kaibigan. Palagi kasi silang natatagalan basta may lakad, dahil lagi nag-co-compute ng budget si Sheng. "Naku, babae, wala tayong naipon ngayon, kung hindi ako gano'n. Hello, eh ikaw kasi, kung gumastos ka ay parang wala nang bukas," komento ni Sheng. Tumahimik si Bianca dahil alam niya sa sarili niya na magastos talaga siya. Mabuti na lang talaga at nandyan ang kaibigan na lagi nagpapaalala sa kan'ya kahit na minsan ay sobra na ang pagiging kuripot. Dahil sa masayang usapan, halos hindi na napansin ng dalawa na nakarating na sila sa terminal. Nauna nang bumaba si Sheng at si Bianca na ang susunod na ihahatid ng taxing sinasakyan nila. Para wala ng mahabang drama, nagpaalam sa isa't isa at mahigpit na nagyakapan ang dalawa, habang parehong may ngiti sa labi. Excited na silang makauwi sa probinsya at makita na ang kani-kanilang pamilya Habang hinihintay ni Bianca na umusad ang bus na sinasakyan ay hindi niya maiwasan na pagmasdan ang paligid. Parang wala namang nagbago, tulad pa rin ng dati ang maynila. Maraming tao, magkakatabi ang mga establishment at mahaba pa rin ang traffic sa daan. Masyadong matagal para kay Bianca na natapos ang dalawang taong kontrata, dahilan kung bakit talagang excited na siyang makauwi sa kanila. Siguro ito rin ang rason kaya kinakabahan siya na para bang may kakaiba sa pintig ng puso niya. Malakas ang kaba at pinaghalong saya. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Bianca kung ano ang magiging buhay niya ngayong nakabalik na siya sa bansa. Sa edad na bente-kwatro, wala pa siyang naging nobyo. Sabi nga ng mga kaklase niya ay takot silang lapitan at ligawan. Bukod sa mukha siyang suplada at masungit tingnan ay boyish rin daw siya. Siguro ay dahil lumaki siyang responsable at hindi umaasa sa magulang. Dahil na rin sa hirap ng buhay sa probinsya, nakatungtong naman siya ng college, pero hanggang 2nd year lang bilang criminology student at pagkatapos ay tumigil na sa pag-aaral. Hindi na niya kinaya ang pressure nang isang working student na sinabayan pa noon na sakitin ang kanyang ama, kaya naisipan ni Bianca na tumigil sa pag-aaral at mag-apply nang trabaho sa abroad. Mababait ang naging amo niya sa Lebanon, pero napakahigpit naman. Laking pasasalamat ni Bianca na natapos niya ang kontrata at naka-uwi siya ng ligtas kahit na marami ang kaso ng mga pang-aabuso sa gitnang silangan. Ngayon heto siya, nag-iisip kung ano ang susunod na hakbang . Naalala tuloy niya si Sam, ang masugid na manliligaw niya noon. His a nice guy at responsible rin sa pamilya. Dahil panganay sa magkakapatid ay naisip ni Bianca noon na kailangang tumulong ni Sam sa mga magulang pagka-graduate nila at ayaw niyang maging hadlang doon, lalo na at alam niya ang hirap ng buhay sa probinsya. Isinantabi muna niya ang balak na pag-sagot sa manliligaw, dahil gusto niyang unahin munang tulungan ni Sam ang mga magulang na umaasa sa kanya na mabibigyan niya ang mas maayos na buhay sa oras na nakapagtapos ito ng pag-aaral. "Kapag single pa siya at walang commitment, siguro this time, pagbibigyan ko na siya," nakangiting bulong ni Bianca sa sarili. Napangiti siya sa naisip. kinapa sa puso ang excitement at attraction para sa binata, ngunit parang wala siyang naramdamang espesyal para dito. Humahanga siya kay Sam dahil sa determination nito, ngunit pakiramdam niya ay hanggang doon lang 'yon. "Ano ka ba self, parang excited ka naman g magka-boyfriend, kaya kung anu-ano na lang ang iniisip mo," bulong niya sa sarili. Sa haba ng biyahe pauwi sa probinsya, hindi niya maiwasang makatulog. Nagising siya na malakas ang kabog ng dibdib, bagay na ipinagtataka ni Bianca pero inakalang excited lamang siyang makita ang pamilya. Naputol lamang ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ng marinig niyang tumunog ang cellphone na nasa loob ng bag sa tabi niya. "Hello," agad na sagot ni Bianca. "Hello, anak, nasaan ka na?" tanong ng ina sa kabilang linya. "Nasa Quezon province na po ako, 'ma. Hindi ko lang alam exact location nakatulog po kasi ako," paliwanag niya sa ina. "Bata ka, mag-update ka kung malapit ka na, anak, at hihintayin ka namin sa highway. Mahirap na at siguradong gabi ka na makakarating dito. Malakas ang ulan ngayon, kaya mag-ingat ka," dagdag ng ina. "Sige po mama," inaantok na sagot niya. "Okay, mag-ingat ka, anak. Miss ka na namin at sobrang excited na ang papa mo na makita ka," masayang wika ng kan'yang ina. "Okay po, mama, see you soon, bye " paalam niya rito. "bye, anak," malambing na sabi ng ina na kanyang huling narinig bago pinutol nito ang tawag. Wala pa halos limang minuto ng mag-ring ulit ang hawak na cellphone. It's sheng. "Hi, bessy, kumusta biyahe mo?" Masayang bungad nito sa kanya. "Ayos naman bessy ito malakas ng ulan at ang lakas pa ng air-con, kaya halos manigas ako rito," sagot niya. "Lagot na, takot ka pa naman sa lamig. Hindi ka pa nasanay sa nagyeyelong klima sa Lebanon. Mabuti pa maghanap ka na ng lalaki, bessy, para may mag-papainit na sa 'yo," pilyang biro ni Sheng sa kaibigan. "Gaga ka talaga, kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig mo, palibhasa hindi ka na virgin," pang-aasar niya sa kaibigan. "Bessy, sinasabi ko sa 'yo, 'pag natikman mo 'yan, hahanap-hanapin mo," biro ni Sheng kay Bianca. "Bruha, tutal nauna ka naman nakatikim ng lalaki, kwentuhan mo na lang ulit ako. Alam mo namang ako ang number one fan mo," naka-ngisi niyang tugon dito. Ganito silang mag kaibigan, sa kabila ng lungkot at hirap sa ibang bansa, natagpuan nila at naging sandalan ang isa't isa. Naging matalik na magkaibigan kahit pa malaki ang pagkakaiba ng ugali nilang dalawa. "Sige na, bessy, sayang ang load ko. Hindi ako naka-register sa unli call. Mahal pa naman ang regular call," paalam ng kaibigan sa kan'ya. "Saksakan ka talaga ng pagka-kuripot. Kahit simpleng tawag lang binibilang mo agad. Bessy, sinasabi ko sa 'yo, isusumpa talaga kita 'pag lagi mo akong tinitipid," umiikot ang mga mata na nag-dadrama na sabi ni Bianca sa kaibigan. Tumawa lang si Sheng bago pinutol ang tawag. Dahil malayo pa naman at mahaba ang oras pinilit niyang makatulog ulit. Sa pagpikit ng mga mata ay agad nahulog siya sa kawalan. Saglit pa, biglang may tao siyang nakita sa panaginip niya. Pilit niyang inaaninag ang mukha nito, subalit malabo talaga kahit pa pakiramdam niya ay malapit lang ito sa kan'ya. "Sino ka? " mahinang usal ni Bianca. Hindi ito sumagot at naglakad palayo pagkatapos siyang halikan sa labi at haplusin ang magkabilang bahagi ng kanyang pisngi Pinagpapawisan siya ng malapot ng magising. Labis siyang nagugulahan kung bakit gano'n ang kan'yang panaginip. Bigla tuloy ay naging laman ng isipan niya ang tungkol sa lalaking napanaginipan at nagtatanong sa sarili kung sino ito. "Bakit kaya bigla akong nanaginip ng gano'n? Ang Weird," bulong na tanong ni Bianca sa sarili. Siguro ay dahil sa kung anu-ano ang laman ng isipan niya kanina dahil sa napag-usapan nilang magkaibigan bago nakatulog, kaya pati panaginip ay ganoong eksena ang nakita niya. Saglit siyang pumikit at kinalma ang isipan. Inalala niya ang tagpong nakita sa panaginip at isang bagay ang narealize niya. Hindi man niya maaninag ang mukha ng lalaking humalik sa kanya, pero malinaw pa sa alaala niya ang matikas ang tindig nito habang nakasuot ng uniform. Army uniform to be exact. Binalewala ni Bianca ang napanaginipan but little did she know na magiging malaking bahagi ito ng kanyang buhay. Matapos ang mahabang biyahe sa wakas ay nakarating rin si Bianca sa Bicol. Pagod at nanlalata man ang katawan dahil matagal siyang nakaupo sa bus, ngunit masigla pa rin ang kanyang pakiramdam. Nakita agad ni Bianca ang mga magulang na naghihintay sa kan'ya sa bus stop. Mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa mga ito at hindi niya napigilan ang luha sa labis na saya dahil sobrang na-miss niya ang ama at ina. Kahit salat sila sa buhay ay malapit silang buong pamilya sa isa't isa. Ang bawat isa sa kanila ang itinuturing na kayamanan ng kanilang mga magulang. Labis na nagpapasalamat si Bianca sa panginoon dahil may mabuti siyang pamilya. Matapos mag-mano sa mga ito ay inaya na siya ng kanyang ama na sumakay sa naghihintay na tricycle na maghahatid sa kanila paakyat sa bundok. Malalim na ang gabi ng makarating sila sa bahay. Hindi tuloy niya naiwasang pagmasdan ito ang kanilang munting tahanan. Maliit lang ang bahay na gawa sa kahoy, sawali lang ang dingding at kawayan ang lapag. Napa-buntong-hininga na lang siya ng pumasok sa pintuan, dahil pakiramdam niya halos wala rin palang nagbago sa buhay nila. "Anak, ang lalim naman yata nang buntong-hininga mo. Sobrang na pagod ka ba sa biyahe mo?" tanong ng ina. "Hindi po mama, okay lang po ako. Hindi ko lang po mapigilang isipin itong bahay natin. Dapat po ay ayusin na natin ito kahit paano. Malamig po ang panahon ngayon dahil tag-ulan na. Daanan pa naman ng bagyo ang lugar natin," sabi niya sa ina. "Naku, saka mo na 'yan isipin, anak, may bukas pa. Ipasok na natin ang mga maleta mo doon sa gilid ng makapag-pahinga ka na," wika ng ina. "Tulog mantika talaga ang mga kapatid mo. Hindi man lang nagising kahit nakarating na tayo at parehong naghihilik pa ang dalawa," narinig niyang sabi ng ama habang palabas ito ng silid. Napa-ngiti si Bianca na pumasok sa munting silid at sinilip ang mga kapatid. "Naku, papa, hindi ka na po nasanay. Ganyan talaga ang kambal na 'yan. Bukas siguradong mag-iingay sila na hindi natin ginising ngayon," napapa-iling na lang na komento niya sa ama. "Kumusta ang naging buhay mo sa abroad, anak? Labis kaming nag-alala ng mama mo, dahil kaaalis mo lang noon ay napabalita namang may giyera doon," tanong ng ama. "Okay lang naman po, papa. Noong una ang kalaban namin talaga ay homesick po. Pero ng magtagal, nasanay na rin po ako. May naging kaibigan din po akong Pinay, taga Cagayan si Sheng po. Bibisita daw po siya dito sa ayon next month, nang makarating din po siya dito at maka-pasyal sa atin," mahabang paliwanag niya sa ama. "Mabuti kung gano'n, lalo at babae ka pa naman. Napakabata mo pa na nahiwalay sa amin ng mama mo, kaya nag-aalala kami sa iyo, lalo na at bihira ka kung tumawag at minsan ka lang din sumulat," saad ng kanyang ama. Totoo ang sinabi ng kanyang ama, dahil bilang lamang sa daliri ang pagkakataon na pinayagan siyang tumawag ng mga amo. "Gano'n po talaga, papa, mahal din kasi ang long distance na tawag at may schedule lang po kami kung kailan p'wedeng sumulat," paliwanag niya. "Mabuti at nakauwi ka na. Palagay na ang loob namin na narito ka at ligtas," nakangiti na sabi ng ama. Laking pasasalamat ni Bianca na nakauwi siya, dahil magulo ang bansang napuntahan niya. Sunod-sunod ang balita ng mga namatay na kababayan dahil sa mga pagsabog at pinasabog na mga ciudad dahil sa naganap na civil war doon "Kumusta po pala ang pakiramdam mo ngayon? Lagi pa din po ba kayong inaatake ng asthma at hirap huminga?" tanong niya sa ama. "Mas maayos na ngayon, anak. Maganda ang naging epekto ng vitamins na ipinadala mo. Sabi ng doctor, effective daw 'yon at nakatulong sa immune system ko," saad nito "Maigi kung gano'n. Classmate ko po nang highschool ang dealer n'yan papa, si Angelo po na taga kabilang barangay lang natin," kwento niya sa ama. Masaya siya dahil kahit malaki ang sakripisyo niya sa abroad may pagbabago sa kalusugan ng ama. "Maigi pa anak ay matulog na tayo," yaya ng ina habang nililigpit nito ang pinagkainan nila. "Heto, uminom ka muna nang gatas ng makatulog ka ng mahimbing." "Salamat po, mama, kaya lagi ko kayong name-miss kasi alam mo kung ano ang gusto ko," nakangiting sabi niya sa ina, sabay abot sa basong hawak nito. "Sa tanda kung ito, alam na alam ko pa rin na favorite mo ang gatas," natatawa na wika ng kanyang ina. Napangiti siya, lalo na ng maalala ang mga panahon ng kabataan na nagtatago siya at umaakyat sa puno baon ang isang pack ng powdered milk. Hindi pa nag-iinit sa papag ng marinig ang tawag sa kanyang cellphone. Ring tone palang alam na alam nya na kung sino ito. "Hello bessy, nakarating ka na ba sa inyo?" bungad na tanong niya sa kaibigan. "Oo, bessy, heto at nabilang ko na ang labing-isa kong mga kapatid," tumatawa sagot ni Sheng sa kabilang linya. "Oh, complete ba naman ang listahan ng mga kapatid mo?" natatawa na tanong niya rito. "Naman, bessy. Lahat sila ay naghahalukay nang maletang dala ko. Lahat gising na gising ang diwa, pati kaluluwa ngayon," masayang kwento ni Sheng. Isa ito sa nagustuhan niya sa kaibigan. Masayahin ito sa kabila ng pinagdadaanan nito sa buhay. Parang ang gaan lang ng lahat at tila ba ay walang mabigat na problemang dinadala. "Mabuti naman at nakarating ka na. Ang haba pala ng biyahe d'yan sa inyo. Dapat pala nag-eroplano ka na lang kesa gan'yan." Malalim na buntong-hininga ni Sheng ang narining ni Bianca at hindi agad sumagot sa sinabi niya. "Naku, bessy, kung sinagot mo ang fare ko pauwi, bakit hindi?" sagot ng kaibigan sabay hagikhik nito sa kabilang linya. "Alam mo naman ang sagot ko sa gan'yan. Sa dami ng mga kapatid ko, talagang super pagtitipid ang ginagawa ko. Hindi naman kasi ako gaya mo na apat lang kayong magkakapatid," sagot ni Sheng na muling nagpakawala ng isang malalim na napa-buntong-hininga. Sa totoo lang ay naaawa si Bianca sa kaibigan. Halos mag-isa nitong itinataguyod ang mga kapatid at pamilya, pero napahanga siya nito, dahil kahit minsan ay hindi man lang nagreklamo. Tulad niya ay breadwinner ng pamilya si Sheng, kaya parehong nauunawan nila ang bawat isa at kung bakit kailangang magsumikap at tumayo sa sariling mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD