BIANCA Ngayong araw ang alis ko papuntang Cagayan Valley para dumalo sa kasal ng best friend ko. Talagang excited ako kasi it took me more than five years para makarating doon at matupad ang plano namin ni Sheng noon. Seven-thirty ng gabi ang alis ng bus na sasakyan ko sa Sampalok, kaya umalis ako sa Pasig ng alas-kwatro ng hapon. Baka kasi ma-traffic ako dahil sa rush hour at kasabay ito ng uwian ng mga estudyante. Ang sabi ni Sheng ay may mga terminal ng bus along EDSA at Pasay na papunta sa kanila, pero dahil hindi ako pamilyar doon, pinili kong sumakay sa bus terminal sa Sampalok. Nakapunta na ako sa terminal ng Florida nang ihatid ko siya, noong sabay kaming umuwi galing Lebanon pauwi sa aming mga probinsya. Alas-siyete ng gabi nang makarating ako sa bus station. Mahaba na ang pil