Chapter 1: I'm Doomed

1405 Words
CHAPTER 1 Maria "Ano?! Ang bruha ka bat mo ginawa yun?! Nag-iisip ka ba ng tama?!" Sigaw sakin ng bestfriend kong si macoy AKA Macey. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang pinapagalitan ako. Napayuko nalang ako habang kagat-kagat ko ang labi ko. Nalaman kasi nito ang nangyari eh. Dalawang linggo na ang nakaraan simula ng mangyari yung kababalaghan na yun sa opisina ng s*x god--este ng boss ko. Sa loob ng dalawang linggo na yun ay wala ang boss ko dahil may business trip ito sa Japan. Hindi ko alam kung sinuswerte ba ako dahil wala ito o ano. "Hindi mo ba alam ang ginawa mo mayang?!" Sigaw pa ulit nito kaya wala sa sariling napaikot ang mga mata ko. Oo na! Ang baho ng palayaw ko! Pero at least kabaliktaran yun ng mukha ko. "E-eh kasi naman macoy! Panu ko Hindi isusuko ang bataan ko dun eh ang yummy nun! s*x god yun macoy!" Turan ko naman sa kanya kaya piningot ako nito. "Aray naman! Ano ba macoy!" Saway ko dito pero nanlilisik lang ang mga mata nito. Mukha na itong tarsier na nakalabas galing bohol. "Gaga! Wag mo kong tawaging macoy! Macey ang pangalan ko! Hindi ko kilala yan! Tsaka hindi ko alam na may tinatago ka palang landing babaita ka!" Napalabi nalang ako dahil sigaw nito. Hayyss kung Hindi ko lang talaga bestfriend to makakatikim na to sakin! "E-eh kasi naman Macey. Panu ko matanggihan yun aber? Paglapat palang ng labi nya para na akong nagkaamnesia! Nakalimutan ko na ang lahat!" Sabi ko dito kaya napaikot ang mga mata nito. "O sya sige na! Di naman kita masisisi! Eh sobrang yummy nga naman talaga ni Mr. Moncuedo! Pero bakla! Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mong yan ay...pwede kang mabuntis?" Iirapan ko na sana ito kung hindi lang nagsink in sakin ang huling sinabi nito. Panu nga kung magbunga? Nakuuu! Maria! Maganda ka lang wala kang utak! Haayyss. "Oh? Hindi mo naisip yun noh? Pero kahit ano pa ang mangyari mayang. Kailangan mo syang harapin." Sabi nito kaya napayuko ako. Panu ko gagawin yun? Natatakot ako pag magkaharap kami ulit. Pero Hindi naman pwedeng hindi kami magkita dahil secretary nya ako. Tas pag umalis naman ako sa kompanya ay wala naman akong maipapadala kina nanay sa probinsya. "Natatakot ako bakla." Mahinang nausal ko. Lumapit naman ito sakin at hinagod ang likod ko. "Wag kang mag alala bakla. Nandito lang ako. Kung kailangan harapin ko pa ang boss mo na yan ay gagawin ko." Pag aalo nito sakin kaya napangiti nalang ako. Sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko dahil nandito ang bestfriend ko. Agad naman akong naghanda na at napagdesisyunang pumasok na sa trabaho. Habang papasok ako sa building ay binabati ako ng mga empleyado. Ngumiti naman ako at binati sila pabalik. "Good morning din." Sagot ko at agad pumasok sa elevator. Pagpasok ko ay nakasabayan ko ang ibang empleyado na binabati din ako. Napatingin nalang ako deretso sa harap habang papaakyat ang sinasakyan kong elevator. Hindi ko alam kung nakabalik na ba ang boss ko galing trip o ano. Ang alam ko lang na ngayon ang balik nya pero hindi ko alam kung anong oras. Siguro hindi na muna ito papasok sa opisina dahil hindi ako nito tinawagan para sunduin sya. Siguro ay uuwi muna ito para magpahinga. At yun naman ang ipinagpapasalamat ko. Hindi pa talaga ako handa para harapin sya. Hindi pa sa ngayon. Nang makarating ako sa floor namin ay agad akong dumeretso sa mesa ko at sinimulan na ang trabaho. I am busy checking his schedule for tomorrow when someone call me. "Miss Dimasali." Rinig kong tawag sakin. Napalingon naman ako sa pinanggalingan nun. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko bago ako yumuko na tanda ng paggalang. "Madam Aria." Bati ko. Madam aria is the mother of my dragon boss denrick moncuedo. She is in her mid's 50 but still stunning and sophisticated. Despite the wealth that she have, madam aria has this golden heart that is very opposite to my boss. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo madam?" Tanong ko. Ngumiti naman ito bago lumapit sakin. "Pwede bang samahan mo'ko sa pagsundo kay denrick sa airport?" Tanong nito kaya napaamang ako. Ano daw?! Tama ba ang narinig ko? Susundo? Kay denrick? Yung boss ko? O...my! Grabe nga talaga maglaro ang tadhana. What should I do? I'm not yet ready to face him. But when? I don't know. Iniisip ko palang na magkita kami pagkatapos ng nangyari ay grabe na ang kabang nararamdaman ko. What more kung magkaharap na nga kami? "Ah sige po madam." Tanging nausal ko kahit na sa loob-loob ko ay sobra ang pagtangging ginawa ko.Maybe I need to face him. Hindi ko naman sya pwedeng matakbuhan dahil nagtatrabaho ako sa kanya. At pag umalis naman ako ay wala naman akong maibibigay sa pamilya ko. Mahirap na at graduating na din si mia ng college. Kailangan ko lang ngayon magdoble kayud. Ngumiti naman ito sakin bago ako hawakan sa braso at iginiya palabas ng building. Hindi naman ako nailang sa pagiging clingy nito dahil pag dumadalaw ito sa boss ko ay nakikipagkwentuhan ito sakin. Minsan mas napapatagal pa ang pag uusap namin pag nasa meeting ang boss ko at kami lang ang nasa opisina nito. Nagtataka talaga ako kung saan namana ng dragon ang ugali nito. Eh mabait naman si madam aria tsaka mabait din si Mr. moncuedo. Kaya nga lang pagnegosyo na ang pinag uusapan ay nagiging strikto ang matandang moncuedo. Siguro dahil ito na ang buhay nila. Habang nasa gitna kami ng byahe ay binasag naman ni madam aria ang katahimikan. "I really liked you hija." Biglang sambit nito kaya naman nagulat ako. "P-po?" Nauutal kong tanong. Ngumiti naman ito. "I liked you for my son." Walang prenong sabi nito kaya nanlalaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Gusto nya ako para sa anak nya? Eh di hamak na isang probinsyana lamang ako at isang sekretarya lang ng anak nya. "Don't worry. Di ko naman ipipilit na maging kayo ng anak ko pero I'm hoping na sana maging kayo nga. Kung pwedeng mag advance eh gusto kong bigyan mo ako ng apo." Hanudaw?! Apo?! As in?! Napalunok naman ako at nahihiyang tumawa. Oh lupa kainin mo ako please? Grabe mag isip si madam Aria. Di ko mareach eh. "P-pero sekretarya lang po ako ng anak nyo." Sabi ko habang nakayuko. Hinawakan naman nito ang kamay ko at pinisil yun. "Ano naman kung sekretarya ka lang? Tsaka mabait ka, matalino at higit sa lahat maganda." Saad nito kaya napangiti nalang ako. Ito talaga ang nagustuhan ko kay madam Aria eh. Sobrang honest nya. Sa sobrang honest nya gusto ko syang pugpugin ng halik. Hehehe. "Ayy naku sekretarya nya po talaga ako at yun lang po. " Sabi ko pa pero tumawa lang ito. "Oh com'on! I know that you have feelings for him! Don't worry I will help you." Turan pa nito kaya napabuntong hininga ito. Hindi ko alam na may pagkamakulit din pala si madam aria. "Ma'am nandito na po tayo." Imporma ng driver kaya agad kaming lumabas ni ma'am aria ng sasakyan. Bigla ay nanumbalik ang kabang nararamdaman ko kanina. This is it maria! Mag kikita na ulit kayo pagkatapos ng nangyari. Nang isara ko ang sasakyan ay sya namang pagtawag ni madam aria sa isang taong iniiwasan kong makita. Mabilis na kumabog ang dibdib ko at napalunok ako. Wala ng atrasan to!Pinapanalangin ko lang ay sana hindi nito naalala ang nangyari. Dahil diba? Lasing ito so may possiblity na makakalimutan nito ang nangyari. "Son!" Sigaw nito at parang mag slow motion ang lahat. Unti-unti akong napalingon hanggang sa nakita ko itong nakayakap sa ina nito. Omygosh! Wala na talagang kawala! Nandito na sya! Napatingin ako sa kanya at napanguso ng makitang wala pa din itong pinagbago. Mas lalo pa itong gumwapo at omy! Super yummy pa rin! Sa dalawang linggong hindi namin pagkikita ay sya mas gumwapo pa ito. Hindi ko aakalain na may ikakagwapo pala ito. Unti-unti ay tumingin ito sa direksyon ko kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko at napatuod ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang mga mata namin. Kitang kita ko kung panu ito ngumisi habang nakatingin sakin. Teka! May alam ba ito? I mean naalala nya ang nangyari?! Omy! I'm doomed!! ***** WRITTEN BY: Stringlily
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD