Namangha ako pagkapasok namin ng kweba, medyo madilim na sa loob, pero naging maliwanag naman nang buhayin ni Tristan ang flashlight ng kaniyang cellphone. “Wala po bang ahas dito?” kinakabahan ko pang tanong habang magkahawak pa rin ang isa naming mga kamay. “Huwag kang mag-aalala, safe dito sa loob. Araw-araw may pumupunta rito at wala pa namang natutuklaw ng ahas.” Nakampanti naman ako sa sagot niya at agad na naniwala. Mukhang hindi nga siya natatakot pumasok, tingin ko ay palagi siyang pumupunta, kasi mukhang kabisadong-kabisado na niya ang daan sa loob ng kweba. Buhangin pa ang natapakan namin sa aming pagpasok, pero nang makapasok na kami sa pinakaloob ay puro mga naglalakihang bato na. Nanatili pa ako nang may bigla lumipad na parang ibon at dumaan sa bandang ulo ko. Natawa n

