Blythe KALALABAS ko lang ng kuwarto ko para sana bumaba na at nang makapag-almusal. Pero bago ko pa marating ang stairs ay bigla na lang may bumuhat sa akin na kinagulat ko. Muntik na akong mapatili pero pag-angat ko ng tingin ay guwapong mukha ni Vaughn ang bumungad sa akin. Nginitian niya ako, klase ng ngiti na abot hanggang mga mata. Napakurap na lang ako dahil sa pagkabigla at napatitig na lang sa kaniyang guwapong mukha. Hindi pa rin talaga ako sanay na nginingitian niya ng ganito, dahil mas sanay ako sa blangko niyang ekspresyon at seryosong titig sa akin. Pero ngayon, ibang-iba na talaga siya. Ang layo na ng pinagbago niya kung paano ako pakitunguhan. Napangiti na lang din ako at hinayaan na buhatin niya sa kaniyang mga bisig. Dinala niya ako papasok ng elevator imbes na bu

