Tristan NAGISING ako nang mag-isa sa kama at agad na nataranta nang maalala ang nagawa ko kagabi. Mabilis na akong lumabas ng club at naghanap. Pero wala nang Blythe, tanging mga empleyado na lang ni Kuya na naglilinis sa loob ng tahimik nang club. Agad akong nagtanong sa kanila kung saan na ang babaeng kasama ko kagabi, pero hindi ko inaasahan ang isasagot nila sa akin. “Nakita kong sumama sa kuya mo kagabi. Buhat-buhat pa nga niya palabas ng club.” Sa narinig ay mabilis na akong lumabas ng club at sumakay sa kotse ko. Mabilis ko na itong pinatakbo pauwi at panay pa ang pagmumura ko habang nagmamaneho. What the f**k did I just do last night?! Damn it! Gusto kong magalit sa sarili ko ngayon nawala ang alak sa sistema ko at nasa tamang katinuan na. Maliban sa halik, may nagawa pa b

