Blythe NAGISING ako na mag-isa lang sa kama, at parang walang bakas na may tumabi sa akin sa pagtulog. Sandali pa akong nakiramdam sa sarili ko, at wala naman akong naramdaman na kakaiba sa katawan ko. Suot ko pa rin ang bathrobe na sinuot ko bago natulog. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Ibig sabihin ay walang ginawa sa akin habang tulog ako. Pumasok na ako ng bathroom at naligo na. Muli kong ginamit ang mga sabon at shampoo kahit hindi talaga ako komportable dahil hindi naman pag-aari ko, pero wala pa rin akong choice kundi gamitin, kaysa naman maging mabaho ako. When I was done, I put my bathrobe back on, wrapped my damp hair in a clean white towel, and stepped out of the cabin. Hindi na ako nag-abala pang magbihis dahil wala naman akong bihisan at hindi ko

