KABANATA 38: "PAANO NANGYARING NAKABALIK PA RIN SIYA?" Pinutol na ang puno na nakaharap sa bintana ng kwarto ni Nomi, maging ang buhok niya ay pinutol na rin. Pero nakabalik pa rin iyong engkantong iyon. Ganoon ba talaga niya kagusto si Nomi? "Mukhang hindi ka niya gusto nang dahil lang sa buhok mo, mukhang gusto ka talaga niya dahil gusto ka niya," ani Mama. Sumang-ayon ako roon. At ngayong alam na naming ganoon ang sitwasyon, ano pa bang pwede naming gawin? "Mahirap kalabanin ang tunay na nagmamahal," dagdag ko pa. "Pero gagawa tayo ng paraan." Bumuntonghininga si Nomi, "natatakot ako, paano kung balikan niya na naman ako? Paano kung makapasok siya sa kwarto ko at kunin niya ako ulit?" Umiling ako at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Hindi iyon mangyayari

