KABANATA 35: NOELLA MIRA'S POINT OF VIEW: "PAKAWALAN MO NA AKO! HINDI NA KITA MAHAL!" Sinubukan kong magpumiglas mula sa pagkakahawak sa akin ni Chen. Pero kahit na anong pagpupumiglas ko, hindi niya ako pinakawalan. "Mahal mo pa rin ako, Noella. Nagpalason ka lang sa mga salita ng taong nakapaligid sa 'yo. Lalong-lalo na iyang Ajax na 'yan!" nanggagalaiting sabi niya. Itinulak niya ako sa kama. Kaagad na bumagsak ang aking katawan at hindi na nakapalag pa nang kumubabaw siya sa akin. Nanginig ang aking mga labi. Gusto kong makawala, pero paano ako makakawala kung ganito kalakas ang nakadagan sa akin? Bukod pa roon, isa siyang engkanto. May kapangyarihan siya na dahilan para mas matakot ako. . . na baka hindi na talaga ako makawala sa mga kamay niya. "T-tama na, h-huwag. . ." Kahit na

