Chapter 17

1688 Words

KALMADONG hinarap ni Cassandra si Janica at hinintay itong makalapit nang tuluyan sa kaniya. “You’re Cassandra, right?” anito nang huminto sa kaniyang harapan may tatlong talampakan ang pagitan. “Uh, y-yes?” aniya. “I’m Janica, Stefan’s girlfriend,” pakilala nito, inalok sa kaniya ang kanang kamay. Mukhang hindi pa nito tanggap na ex-girlfriend na ito ni Stefan. Gayunpaman, kinamayan niya ito. “Hi! Nice to meet you,” kaswal niyang tugon. “Pasensiya na sa abala. Gusto lang sana kitang makausap kung pahihintulutan mo ako,” magalang nitong wika. Wala naman siyang problema sa babae kaya pumayag siya. “Walang problema,” nakangiting sabi niya. “Can we talk over lunch?” “Sure,” mabilis niyang sagot. Pagkuwan ay niyaya siya nitong sumakay sa kotse nito. Pumayag naman ito na sa gusto niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD