typos and grammatical error ahead!! Ang bigat ng mga talukap ng mata ko pero gustong imulat ang mga iyon dahil nakarinig ako ng mga nag uusap na nasa paligid ko lang. "Sigurado ba kayo diyan doc?" Boses iyon ni mama. Kaya naman pinilit kong tumingin sa gawi nila. Nakatalikod silang tatlo sa akin. Si mama at ang tunay kung mga magulang habang nakaharap sa kanila ang isa pang lalaki na nakaputi. "Hindi pwedeng magkamali ang test na ginawa ko sa anak niyo misis." Sabi ng doktor. Hindi ko man alam ang pinag uusapan nila ay hindi ako umimik para tawagin ang pansin nila. Nakinig na lang ako. Nag uusap sila sa salita nilang espanyol at ang mama ay magaling din talaga magsalita na ngayon ay nakikisabay sa pag uusap ng tunay kong mga magulang sa doctor. "But you need to decide misis, kung aal