Warning: HOT SCENE ahead na hindi pwede sa mga batang mambabasa! Read at your own risk! ***** R-18 ***** "Cancell all my appointment today Nancy." Sabi niya ng matapat kami sa table ng secretary niya. Hindi pa man ito nakakasagot ay muli niya akong hinila at marahas na itinulak papasok ng opisina niya. Napatalon pa ako ng kinatatayuan ko ng pabibag na isinarado niya ang pintuan dahil doon na kami tumuloy galing sa bahay na nilipatan ng mama. Galit na naglakad at nilampasan ako pero agad ding bumalik at hinarap ako. Napaatras ako at napasandal mismo sa pintuan. Marahas na isinadal ang kamay sa pintuan sa taas ng balikat ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit, pagkairita. Ewan basta halo halo na doon na naging dahilan ng pagsalikbo ng kaba sa dibdib ko. Hinawakan din ako sa mukha