typos and grammatical error ahead!! "Anong kailangan mo?" Tanong ko kay Kenneth matapos kong payagang pumasok ito sa opisina ko. Seryusong nakipagsukatan ito ng tingin sa akin na para bang mayroon akong navawang masama. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Elijah kaya ako narito ngayon." "So what? Nagawan ko na ng paraan ang bagay na iyon. Kaya makakaalis ka na kung iyan lang ang ipinunta mo dito." "Hindi lang iyan ang ipinunta ko dito. Gusto ko lang sabihin ang ilan sa nalalaman ko sa kanya. Na alam kong hindi ka pa aware doon." Ako naman ngayon ang seryusong tumingin sa kanya dahil sa sinabi nito. Ipapamukha ba nito sa akin na wala akong alam tungkol sa asawa ko at kung magsalita ay parang kilalang kilala niya si Elijah. "Hindi ko kailangan ng impormasyon galing sayo dahil kaya kong al