typos and grammatical error ahead!! # 44_Elijah "Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Daniel habang kumakain kami ng gabing iyon sa restaurant mismo ng hotel na tinutuluyan namin. Napakurap pa ako na napatingin sa kanya. Ngumiti ako. Hindi ko nga lang alam kung maayos ba ang naging ngiti ko o tabingi dahil masasabi kong hindi ako maayos dahil kay Ace. Mahabang panahon din ang isa't kalahating oras na hindi kami nagkita at akala ko ay kaya kong harapin na siya ng taas ang nuo na hindi kakabahan pero nagkamali ako. Dahil mas naging matikas pa siya sa panahong lumipas at mas nadagdagan ang dating niya at iyon ang ikinaiinis ko sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang hindi humanga sa kanya na hindi ko na dapat maramdaman. Hindi lang iyon, naiinis ako sa babaeng nakabanggaan namin kaninang u