ACE POV: Naalimpungatan ako. Hindi ko alam kung bakit pero bumangon ako at kinapa ang switch ng ilaw sa kabilang panig ng kama ko. Hindi pala ako nakakuha ng tubig kagabi dahil late na akong pumasok sa silid ko dahil nanuod pa ako bago ako kumain. Well, kinain ko nga ang niluto niya na iniwan niya para sa akin. At wala akong masabi dahil nasarapan ako sa luto niya. Nagpasya akong tumayo para kumuha ng tubig. Doon ko napagtanto ng magawi ang paningin ko sa wall clock na mag aalis-cinco na ng madaling araw. Paglabas ko at tinungo ang kusina ay hindi na ako tumuloy dahil nakita ko si Elijah na nandon at maingat na gumagalaw na parang ayaw gumawa ng ingay at parang may niluluto. Hindi na ako umimik mula sa pagkakasandal ko sa hamba ng pintuan sa kusina at malaya ko siyang pinagmasdan. Na