typos and grammatical error ahead!!! "Ahhhh! Sandali. Huwag kang malikot."natatawang hinarangan niya ang mukha dahil tumalsik ang tubig sa katawan ng asong pinapaliguan niya. Nasa lawn kami ng bahay sa kaliwang bahagi ng bahay. Oo, aso na ipinadala ng lolo tatlong araw na ang nakakalipas. At limang araw na din mula ng dumalaw dito ang mama at pinagsalitaan na naman siya nito ng mga masasakit na salita. I heard everything dahil sa cctv ng bahay na pinanuod ko ng gabi ding iyon. At nakita ko na kahit nagtitimpi siya ay hindi niya pinatulan ang mama. Kaya masinsinan kong kinausap ito at sinabihan na huwag makikialam sa mga plano ko. Nagalit pa ito sa akin at huwag na huwag daw mahuhulog ang loob ko sa kanya at sinabi kong hindi mangyayari iyon. Pero...... Naiiling na hindi ko na mapigilan