Pagdating nila sa bahay ng ama, puno ng mga magagarang sasakyan ang labas ng bakuran. Mukhang maraming inimbita ang Papa niya, para mag celebrate sa pagkapanalo niya bilang alkalde ng San Miguel. Panigurado ring nag imbita ng mga taga media ang Papa niya. Pasimple pa niyang sinulyapan si Ziyah na stand out sa evening dress nito. Tiyak na aagaw ng pansin ang dalaga sa mga bisitang naroon. And he is proud dahil siya ang kasama ng dalaga. "Are you ok?" Tanong niya rito nang makababa na ito sa passenger seat. "Yeah, I am," matamis na sagot nito. Ngumiti rin siya rito at hinawakan ang kamay nito para maalalayan sa paglalakad. He can't wait na matapos na ang party, at makauwi na sila sa condo niya. Siya mismo ang maghuhubad sa suot na evening dress ng dalaga. Magpipigil pa rin naman siya h