"Nakabuo na ba?" tanong ni Liam sa kanya nang magtungo sila ni Ziyah sa bahay ng mga ito para mag-dinner. Matapos ang tatlong araw nilang honeymoon trip sa isla ay bumalik na sila ng San Miguel at agad naman silang inimbitahan ng mag-asawang Liam at Bianca na mag-dinner sa bahay ng mga ito. Hindi naman sila tumanggi pa. Wala naman silang gagawin. Isa pa dalawang linggo pa mula ngayon bago siya maupong Mayor sa bayan nila. Kaya susulitin na niya ang dalawang linggong hindi pa siya busy sa paglalabas-labas nilang mag-asawa para mag-enjoy. "Excited ka pa yata sa amin na nag-honeymoon eh," tugon niya sa kaibigan habang nakaupo sila sa may mini bar at tumutungga ng alak. Katatapos lang nilang mag-dinner at naiwan sila sa ibaba. Umakyat kasi ang asawa at si Bianca sa ikalawang palapag ng bahay,

