Kinabukasan, paggising niya ay mag-isa lang siya sa loob ng condo, wala roon si Zandro. Baka lumabas ang binata para mag-jogging. Katulad ng madalas nitong gawin tuwing umaga. Buo na ang pasya nila ni Zandro na magpakasal na ngayong araw. Wala na rin naman dahilan para tumanggi pa siya. Doon din naman ang punta nila, ikakasal at ikakasal din naman sila. At kung tatanggi pa siya ay siya ang mawawalan at hindi si Zandro, kaya agad siyang pumayag kahit civil wedding muna. Nagtungo siya sa sala at doon sinubukang tawagan ang Mommy niya. Nais niyang ipaalam sa ina ang plano nila ni Zandro. Hindi naman tututol ang Mommy niya sa pagpapakasal niya kay Zandro, dahil pareho nilang kailangan ngayon si Zandro, pareho silang mag-ina na nakasandal ngayon kay Zandro. "Ziyah!" Nagulat siya nang ang ti

