Chapter-42

1335 Words

"Anong sinabi mo, Zandro?" gulat na tanong niya nang maunawaan ang sinasabi nito. Nakatunghay sa kanya ang asawa at titig na titig ito sa mga mata niya. Kapwa pa sila hubad at magkapatong. Nasa intimate scene pa sila at biglang ganito pa ang pag-uusapan nila. "Ang sabi ko, Ziyah, paano kung mahal na kita," tugon naman nito. Nasa mga mata naman nito ang kaseryosohan sa sinasabi nito. Mukhang hindi ito nagsisinungaling sa kanya. Pero posible ba ang sinasabi nito? Mahal na ba siya talaga ni Mayor Zandro De Guzman? Nagtagumpay na ba siya sa susunod niyang misyon? Lumipas ang mahabang sandaling pananahimik, dahil wala siyang alam isagot rito. Nakatingin lang siya sa mga mata ng asawa na naghihintay ng sagot mula sa kanya. Naramdaman niya ang maingat na paghugot nito sa pagkakayakap sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD