Kumunot ang noo niya nang makita si Ziyah sa loob ng bathroom. "Ziyah?" Bulong niya sa pangalan nito. Hindi na niya nagawang takpan ang hubad na katawan. Wala na kasing pagkakataon pa. Isa pa nakita na rin naman ni Ziyah ang tinatago niya. "Sasabay na ko sa pagligo," sabi nito sa kaswal na tinig na para bang maliit na bagay lang ang pagsasabay nila sa pagligo, na para bang lagi na nilang ginagawa ang bagay na iyon. Hindi siya nakakibo. Napalunok siya nang dahan-dahang hubarin ni Ziyah ang suot nitong roba. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata sa katawan ng dalaga. "What are you doing?" Tanong na lumabas sa bibig niya. Sakto lang umabot sa pandinig niya ang sariling tinig. "Joining you," sagot nito na hindi nag aalis ng tingin sa kanya. Bumagsak sa marble ang robang hinubad nito. T