THIRTY-ONE: "Six months..." IT feels like just yesterday. Everything really feels just a day ago though it's been six months already and almost a year now. Yes, anim na buwan na magmula nang mangulila si Lindsay dahil sa pag-alis ng mahal niyang si Baste para mangibang bansa. Everyday, she hopes to see him and be with him again. She always prays for his safety and happiness kahit na nasa malayo ito at hindi man lang talaga sila nagkaroon ng katiting na connection. 'Ni tawag o text, o kahit chat sa social media ay wala talaga. Well, what would Lindsay expect? Siyempre, umalis na si Baste at malaki ang posibilidad na nakapag-move on na ito habang naroroon at unti-unti ay nakakalimutan na siya kaya wala na siyang naririnig na anuman mula rito. Masakit man isipin ang bagay na iyon, hindi